Aprub sa Senate majority — Ping... P4.37B 'insertions' sa distrito ni Sandro, tatalupan

ni Mylene Alfonso @News | November 2, 2026

Photo: File / Ping Lacson at Sandro Marcos - FB
Kasama sa masusing pagsusuri ng Senado ang iniulat na P4.37 bilyong dagdag na pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa distrito ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa bersyon ng panukalang 2027 national budget na inaprubahan ng Kamara.
Ayon kay Sen. Ping Lacson, walang itatangi ang Senado sa pagsusuri ng mga kuwestiyonableng alokasyon, kabilang ang mga proyektong may kaugnayan sa mga taong malapit sa Pangulo.
“The majority of senators are rallying behind Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito’s efforts to cleanse the 2027 budget of unwarranted, whimsical, and corruption-prone items. — ALL MEANS ALL!” saad niya.
“Yes, absolutely,” sagot naman ni Lacson nang tanungin kung kabilang sa kanilang susuriin ang dagdag na alokasyon sa distrito ng anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa pagsusuri ng Senado, umakyat mula 11,420 tungong 16,244 ang bilang ng mga proyekto ng DPWH sa bersyon ng budget bill ng Kamara.
Inaasahang magsisimula ang plenary debates sa panukalang 2027 national budget sa Nobyembre 23.





Comments