‘Pasabog’ ng prosecutors sa impeachment trial, ‘pang-kuwitis’ lang pala!
- BULGAR

- 7 minutes ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 25, 2026

IBINIDA NI BALISACAN NA GUMINHAWA ANG PAMUMUHAY NG 9.7% PAMILYANG PINOY, MALINAW NA FAKE NEWS – Inanunsyo ni Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) Sec. Arsenio Balisacan na 9.7% ng mga pamilyang Pinoy daw ang guminhawa ang pamumuhay sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sa dami ng naghihirap sa panahon ng Marcos administration, kaya’t malinaw na fake news itong ibinibida ni Sec. Balisacan na 9.7% ng mga pamilyang Pinoy ang guminhawa ang buhay sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM).
Hay naku, dati, sa panahon ng noo’y Pres. Noynoy Aquino, bilang National Economic and Development Authority (NEDA) director, ay hindi nagpi-fake news si Balisacan. Pero mula nang maging bahagi siya ng Marcos administration, nakiki-fake news na rin siya. Tsk!
XXX
MGA 'PASABOG' NG HOUSE PROSECUTORS PANEL, PAGDATING SA IMPEACHMENT TRIAL, MGA 'KUWITIS' LANG PALA – Ayon kay Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon, marami raw pasabog ang House prosecutors panel sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Talaga lang, huh? Eh, bakit parang hindi naman “pasabog” ang sinasabi ng mga witness ng prosecutors, kundi parang mga kuwitis lang? Boom!
XXX
MGA MANOK NI PBBM SA SENATORIAL ELECTION, ILALAMPASO NG MAGKAPATID NA BASTE AT PULONG DUTERTE – Sa latest senatorial survey ng Tangere, nag-rank No. 2 si Davao City Mayor Baste Duterte, habang nag-rank No. 7 naman ang kuya niyang si Davao City Rep. Pulong Duterte.
Ibig sabihin niyan, ilalampaso ng magkapatid na Duterte sa senatorial election ang mga magiging “manok” ni PBBM sa pagkasenador sa 2028 election. Boom!
XXX
PANG-ABULOY SA MGA NAMATAYAN SA QC, NIRARAKET PA SA SAKLANG-PATAY – Parang mga kabuteng nagsulputan ang mga saklang-patay sa mga burol ng mga namatayan sa halos lahat ng barangay sa Quezon City.
Dapat itong ipa-stop nina Mayor Joy Belmonte at QCPD Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, dahil ang binibiktima ng mga operator ng mga saklang-patay na ito ay ang mga nakikiramay at naglalamay sa burol ng mga namatayan.
Ang nais nating ipunto rito ay ’yung ipang-aabuloy ng mga nakikiramay ay niraraket at napupunta pa sa bulsa ng mga operator ng mga saklang-patay sa QC. Period!





Comments