Pasabog ng misis mo, Sen. Chiz… HEART, ‘DI BINASTOS KAHIT WALANG BRA SA PARIS FASHION WEEK
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 9, 2026

Photo: Heart Evangelista sa Paris Fashion Week - Circulated
Sa nagtapos na Paris Fashion Week ang pinaka-daring na pagrampa ni Heart Evangelista sa mga dinadaluhan nito. Ilang beses siyang nagpasilip ng boobs sa kanyang mga suot at sa isa niyang OOTD (outfit of the day), hindi na lang ang side boobs ang kanyang ipinasilip, braless si Heart at nakakatuwa na walang bastos na comment sa kanyang Instagram (IG).
Ang ilang comments nga sa kanya, “Always unique, original, fashionista,” “Never boring idea. You are in blazing fire,” “Only @iamhearte can pull that street style superstar,” “May naabot ang kaartehan ng babaeng ito and we are proud of you,” at “This look is dangerously hot. I want to wear that outfit too.”
Sa post niyang ginamit namin ang photo niya sa kolum na ito, sumisilip pa rin ang boobs ni Heart, pero mas modest sa iba niyang OOTD. Pinuri na naman ang pagiging daring at risk-taker niya sa mga isinusuot at comment ng isa nitong fan, sigurado raw na nganga ang mga bashers ni Heart.
Well, may nagtanong lang kung hindi ba nasasaktan si Heart sa dami ng mga earrings na suot? May nagtanong pa kung nag-uulit ba siya ng pagsusuot ng earrings.
Sa X (dating Twitter), makikita ang mga bashers ni Heart at mababasa ang pamba-bash sa kanya. May nagtanong kung ano ang reaction ni Sen. Chiz Escudero sa mga daring OOTD niya. May curious ding nagtanong kung ano raw kaya ang reaksiyon nina Cong. Bong Suntay at Atty. Ferdie Topacio sa mga suot ni Heart Evangelista.
MAY magandang balita si Debbie Lopez na may billboard siyang ilalabas o itataas this March. Ang billboard ay tungkol sa pagiging Moderu ambassadress niya ng Moderu Talent Management Billboard Distributor.
Makikita ang billboards ni Debbie sa Makati, Taguig, Pasay, Parañaque at Villamor Airbase beside Newport. Intriguing ang comment ni Joy Moderu, ang CEO ng Moderu Talent Management Billboard Distributor and Billboard Provider na, “Yes, legit ang billboard mo, ‘di edited ang lalabas. Ewan ko lang sa iba.”
Sayang at hindi nagbanggit si Joy ng edited billboard ng mga celebrities. Also, may bagong title si Debbie, ang ‘The Princess of Billboard’.
Anyway, galing sa Cebu si Debbie. Dumalo siya sa alumni homecoming ng Saint Teresa School of Talisay. Masaya ang pagbisita ni Debbie sa Cebu at sa kanyang school at may video na nakipagsayaw siya sa mga bata.
Nag-perform din siya sa harap ng mga estudyante at kinanta ang single niyang Ang Higugmaon Ka.
Dumalo rin si Debbie sa JS Prom ng STS sa Waterfront Lahug bilang guest performer. Isa sa masasayang nangyari sa pagbisita ni Debbie sa Cebu at sa kanyang alma mater ay naka-bonding niya ang mga madre na nagpapatakbo sa nasabing school.
Siguradong hindi iyon ang last na pagbisita niya sa Cebu, lalo na sa Talisay at sa dati niyang school.
Mister, ‘di pa nagsasalita… ANNE, KINAMPIHAN NG MGA KAPWA CELEBS VS. SUNTAY
PARANG “Who’s Who” in showbiz ang mga pangalan ng mga nag-comment sa post ni Anne Curtis sa Instagram (IG) tungkol sa kanyang statement patungkol sa controversial na pahayag ni Cong. Bong Suntay.
Ang daming celebrities ang nag-comment ng “I stand with @annecurtissmith,” kabilang sina Ogie Alcasid, Martin Nievera, Jolina Magdangal, Shaina Magdayao, Lotlot de Leon, Bianca Gonzalez, Shuvee Etrata, Camille Prats at Jackie Lou Blanco.
Ang iba, nag-comment ng mga emojis ng hands clapping gaya nina Amy Perez, Candy Pangilinan, Mond Gutierrez, Sofia Andres at Alex Gonzaga.
Ang iba, nagpahayag ng pagiging proud kay Anne at nagpasalamat sa paglaban niya kay Suntay.
Si Pokwang, ang sabi, “LABAN, ‘nak. Dumarami na mga mambabastos, ‘di mambabatas.”
Sabi naman ni Lea Salonga, “Courage and class.”
Maganda rin ang comment ng wife ni Kim Atienza na si Felicia Atienza na, “Respect women is not an ask, it is basic manners. Bravo, Anne.”
At si Miriam Quiambao na ang sabi, “Women support women. This is what women’s is all about. Thank you @annecurtissmith for speaking.”
Ang comment na lang ni Erwan Heussaff ang hinihintay. Mag-ingat daw si Suntay at baka pasabog ang comment ng husband ni Anne Curtis.




Comments