Friends lang daw sila ni Anthony… MARIS, INILANTAD NA SA SOCMED ANG AFAM BF

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 22, 2026

Photo: FB Circulated
Dahil marami ang curious kung sino ang bagong inspirasyon ngayon ng aktres na si Maris Racal, ipinasilip na niya sa social media ang hitsura nito.
Madalas kasing spotted si Maris na kasama ang non-showbiz guy na isang AFAM sa ilang events.
Ganunpaman, hindi pa ibinibigay ni Maris ang pangalan at identity ng kanyang lucky guy.
Natutuwa naman ang kanyang mga fans dahil may nagpapasaya na sa kanilang idolo. Deserve ni Maris ang lumigaya matapos masaktan sa mga kumalat na balita tungkol sa kanila ni Anthony Jennings.
Nilinaw naman ni Maris na magkaibigan lamang sila ng aktor at hindi totoo na siya ang third party sa breakup nito at ng non-showbiz GF na si Jam Villanueva.
Sa ngayon, mas nakatutok si Maris sa kanyang career. Naging inspirasyon niya ang pagkakapanalo ng Best Actress via her movie Sunshine. Sunud-sunod ang kanyang acting awards dahil sa nasabing pelikula.
Sey nga ng mga movie critics, may igagaling pa si Maris bilang actress. Kaya niyang makipagsabayan sa mga veteran at premyadong artista.
MARAMING fans ang nagulat nang malaman nilang naging magkarelasyon din pala sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson noong 2012.
Si Vice Ganda ang mismong nagbuking noon na naging mag-GF-BF ang dalawa. At iyon daw ang relasyong sobrang ikinasakit ng puso ng Popstar Royalty.
Nababanggit din ang pangalan ni Rayver Cruz na naunang naugnay kay Sarah pero mukhang maayos ang kanilang paghihiwalay dahil maganda ang mga sinasabi niya tungkol dito.
Pero nagtataka ang marami kung bakit hindi nababanggit si John Lloyd Cruz na naging bahagi rin ng love life ni Sarah?
Sa mga interviews noon, sinabi ng aktor na special someone niya ang Popstar Royalty at ibang-iba ito sa mga una niyang nakarelasyon. Itinuturing din niya itong TOTGA (The One That Got Away).
Heavily guarded nga kasi noon si Sarah, kaya hindi nakaporma si John Lloyd.
Nang dumating sa buhay ni Sarah si Matteo Guidicelli, nasa tamang edad na siya kaya hindi na napigilan ni Mommy Divine nang magpakasal sila. Ilang taon ding tiniis ni Sarah ang hindi pakikipag-usap sa kanyang pamilya.
7 yrs. naging magdyowa…
SUGAR, SOBRANG SELOSA KAYA NAGHIWALAY SILA NI WILLIE
LABIS na ipinagpapasalamat ni Sugar Mercado ang pag-amin ng comedian-TV host na si Willie Revillame sa kanilang naging relasyon na tumagal ng pitong taon.
Well, at least, hindi na sasabihin ng iba na nag-iilusyon lang siya na naging GF ng TV host.
Nagpakatotoo si Willie nang tanungin siya ng mga reporters tungkol sa kanilang relasyon. Totoong minahal niya si Sugar, pati na ang dalawang anak nito.
Ayon pa sa comedienne, malaki ang naitulong sa kanya ni Willie noong panahong naging GF siya nito. Napaka-generous daw nito at natulungan siyang maitawid ang pangangailangan ng kanyang dalawang anak.
Nakilala rin ni Sugar ang tunay na ugali ni Willie. Mabait ito at mapagbigay sa mga nangangailangan. Akala lang daw ng iba ay suplado at mainitin ang ulo ng host, pero kapag kalmado na ay mapagbiro at napaka-down-to-earth.
Well, hindi nga lang tumagal ang kanilang relasyon dahil sa selos. Likas kasing selosa si Sugar, at ito ang madalas nilang pag-awayan hanggang sa magdesisyon silang tapusin na ang kanilang relasyon.





Comments