top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | March 9, 2026



Heart Evangelista sa Paris Fashion Week - Circulated

Photo: Heart Evangelista sa Paris Fashion Week - Circulated



Sa nagtapos na Paris Fashion Week ang pinaka-daring na pagrampa ni Heart Evangelista sa mga dinadaluhan nito. Ilang beses siyang nagpasilip ng boobs sa kanyang mga suot at sa isa niyang OOTD (outfit of the day), hindi na lang ang side boobs ang kanyang ipinasilip, braless si Heart at nakakatuwa na walang bastos na comment sa kanyang Instagram (IG).


Ang ilang comments nga sa kanya, “Always unique, original, fashionista,” “Never boring idea. You are in blazing fire,” “Only @iamhearte can pull that street style superstar,” “May naabot ang kaartehan ng babaeng ito and we are proud of you,” at “This look is dangerously hot. I want to wear that outfit too.” 


Sa post niyang ginamit namin ang photo niya sa kolum na ito, sumisilip pa rin ang boobs ni Heart, pero mas modest sa iba niyang OOTD. Pinuri na naman ang pagiging daring at risk-taker niya sa mga isinusuot at comment ng isa nitong fan, sigurado raw na nganga ang mga bashers ni Heart.


Well, may nagtanong lang kung hindi ba nasasaktan si Heart sa dami ng mga earrings na suot? May nagtanong pa kung nag-uulit ba siya ng pagsusuot ng earrings.


Sa X (dating Twitter), makikita ang mga bashers ni Heart at mababasa ang pamba-bash sa kanya. May nagtanong kung ano ang reaction ni Sen. Chiz Escudero sa mga daring OOTD niya. May curious ding nagtanong kung ano raw kaya ang reaksiyon nina Cong. Bong Suntay at Atty. Ferdie Topacio sa mga suot ni Heart Evangelista.



MAY magandang balita si Debbie Lopez na may billboard siyang ilalabas o itataas this March. Ang billboard ay tungkol sa pagiging Moderu ambassadress niya ng Moderu Talent Management Billboard Distributor.


Makikita ang billboards ni Debbie sa Makati, Taguig, Pasay, Parañaque at Villamor Airbase beside Newport. Intriguing ang comment ni Joy Moderu, ang CEO ng Moderu Talent Management Billboard Distributor and Billboard Provider na, “Yes, legit ang billboard mo, ‘di edited ang lalabas. Ewan ko lang sa iba.”


Sayang at hindi nagbanggit si Joy ng edited billboard ng mga celebrities. Also, may bagong title si Debbie, ang ‘The Princess of Billboard’.


Anyway, galing sa Cebu si Debbie. Dumalo siya sa alumni homecoming ng Saint Teresa School of Talisay. Masaya ang pagbisita ni Debbie sa Cebu at sa kanyang school at may video na nakipagsayaw siya sa mga bata. 


Nag-perform din siya sa harap ng mga estudyante at kinanta ang single niyang Ang Higugmaon Ka.


Dumalo rin si Debbie sa JS Prom ng STS sa Waterfront Lahug bilang guest performer. Isa sa masasayang nangyari sa pagbisita ni Debbie sa Cebu at sa kanyang alma mater ay naka-bonding niya ang mga madre na nagpapatakbo sa nasabing school.


Siguradong hindi iyon ang last na pagbisita niya sa Cebu, lalo na sa Talisay at sa dati niyang school.





Mister, ‘di pa nagsasalita… ANNE, KINAMPIHAN NG MGA KAPWA CELEBS VS. SUNTAY



PARANG “Who’s Who” in showbiz ang mga pangalan ng mga nag-comment sa post ni Anne Curtis sa Instagram (IG) tungkol sa kanyang statement patungkol sa controversial na pahayag ni Cong. Bong Suntay.


Ang daming celebrities ang nag-comment ng “I stand with @annecurtissmith,” kabilang sina Ogie Alcasid, Martin Nievera, Jolina Magdangal, Shaina Magdayao, Lotlot de Leon, Bianca Gonzalez, Shuvee Etrata, Camille Prats at Jackie Lou Blanco. 


Ang iba, nag-comment ng mga emojis ng hands clapping gaya nina Amy Perez, Candy Pangilinan, Mond Gutierrez, Sofia Andres at Alex Gonzaga.


Ang iba, nagpahayag ng pagiging proud kay Anne at nagpasalamat sa paglaban niya kay Suntay. 


Si Pokwang, ang sabi, “LABAN, ‘nak. Dumarami na mga mambabastos, ‘di mambabatas.” 

Sabi naman ni Lea Salonga, “Courage and class.”


Maganda rin ang comment ng wife ni Kim Atienza na si Felicia Atienza na, “Respect women is not an ask, it is basic manners. Bravo, Anne.” 


At si Miriam Quiambao na ang sabi, “Women support women. This is what women’s is all about. Thank you @annecurtissmith for speaking.”


Ang comment na lang ni Erwan Heussaff ang hinihintay. Mag-ingat daw si Suntay at baka pasabog ang comment ng husband ni Anne Curtis.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sptember 12, 2024



Showbiz news

Wala man sa local showbiz, mukhang sa pagiging sikat na modelo mauuwi ang anak ni Patricia Javier na si Robert Douglas Walcher IV, na itinanghal na Mr. Teen International 2023 sa Thailand at kinilala bilang isa sa mga modelo ng U.S.-based Filipino-American designer na si Kenneth Barlis.


Hindi pa rito nagtatapos ang journey ni Robert dahil pupunta siya sa Paris, France sa susunod na buwan kasama ang kanyang pamilya — ang kanyang Mommy Patricia, Daddy Robert Douglas Walcher, at ang kanilang bunso na si Ryan — dahil rarampa siya sa Paris Fashion Week sa Oktubre 4, 2024.


Robert Walcher IV / IG

Sa interbyu kay Patricia, “He’s always working out, eating healthy food, and busy rehearsing his runway walk. He’s very excited kasi first time n’yang makakasali sa Paris Fashion Week at makakasama niya ang iba’t ibang mga modelo mula sa iba’t ibang panig ng mundo,” pagmamalaki ng aktres sa kanyang panganay.


Dagdag pa niya, “The event is two days only, but we are joining him—my husband Dr. Rob and our youngest son Ryan. Wala namang conflict sa school nila dahil semestral break kaya we can all go, parang family vacation na rin. 


“We are flying to France on October 1 and we will celebrate the 13th birthday of Ryan there. He’s turning 13 on October 2.”


Ayon kay Patricia, sinusulit lang ni Robert IV ang panahon nito bilang ramp model dahil ang pag-aaral pa rin ang pangunahing priority ng kanyang anak, ang makapagtapos ng college course at kumuha ng kurso gaya ng sa ama na isang chiropractor.


Robert Walcher IV

“Robert is serious with his studies. After high school, he will take a pre-med course. Four years ‘yun then another four years for his chiropractic degree in the USA. Pero sinabi ni Robert na gagawin n’ya ang lahat habang nandito s’ya sa Pilipinas, tatanggap pa rin siya ng mga TV guesting, modelling stints, at product endorsements. 


“Madalas din s’yang imbitahan na judge sa mga beauty pageants. Saka tinutulungan nila ako ni Ryan sa mga community charity work ko, like Balik-Eskuwela,” pahayag ni Patricia Javier.



Pagkatapos ng kanilang 12 taong relasyon, ikinasal na rin ang TV at movie personality na si Kaladkaren (Jervi Li) sa kanyang British fiancé na si Luke Wrightson. 


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook (FB) post noong Setyembre 9, 2024, inanunsiyo ni Kaladkaren ang kanilang kasal noong Setyembre 8 sa ceremonial county ng Scarborough, North Yorkshire sa England.


Lahad niya, “The Wrightsons. 8th of September 2024. Wedding in the clouds.”

Kaugnay ng kanyang post, pangarap daw sana nina Kaladkaren at Luke na isang “sunny day” ang kanilang kasal, pero biglang naging “cloudy” at halos wala nang makita dahil foggy ang paligid. 


Sa kabila nito, naging masaya pa rin si Kaladkaren na pakiramdam niya ay siya ang pinakamasuwerteng babae dahil pinakasalan niya ang “love of my life” niya.

Inanunsiyo ni Kaladkaren ang engagement nila ni Luke sa pamamagitan ng Instagram (IG) noong Setyembre 9, 2020.


Mensahe ni Kaladkaren sa caption, “The man of my dreams asked me to marry him in our own little balcony. It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters.”


Nagkaroon naman ng second proposal si Luke kay Kaladkaren noong Hulyo 25, 2024. Sa IG noong araw na iyon, ibinahagi ni Kaladkaren ang mga kuhang litrato ng second proposal sa kanya ng nobyo na nangyari pa mismo sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London.


Maramdamin ang kanyang mensahe sa caption, “Proposal 2.0!!! (crying in tears emojis) Heart is full, hand is heavy! [ring emoji] #TheWrightsons. Luke and I got engaged in the middle of the pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t even have the chance to have a proper photo shoot until now. 


“I thought it was just an ordinary prenup shoot! Sobrang gulat ko nang muli s’yang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu. Worth the wait! You make me the happiest, my love!”

 
 

ni Eli San Miguel @Sports News | July 3, 2024



News

Nakatakdang magdala ng sulo ng South Korea ang BTS member na si Jin para sa 2024 Paris Summer Olympics. Iniulat ng Korea Times na lilipad patungo sa France ang K-Pop star para lumahok sa Summer Olympics na magsisimula sa Hulyo 26. Hindi pa inaanunsiyo ang eksaktong lokasyon ng event.


Ang Summer Olympics ay isang major international multi-sport event na karaniwang ginaganap kada apat na taon.


Ngayong taon, magaganap ito sa Paris mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11. Sa ngayon, may naitalang hindi bababa sa 15 atleta mula sa Pilipinas para sa Paris Games at inaasahang mas dadami pa habang papalapit ang Olympics.


Samantala, kamakailan lamang ay malugod na sinalubong ng mga fans ang pagtatapos ni Jin sa kanyang military service noong Hunyo 12 matapos mag-serve ng 18 buwan. Nag-enlist siya noong Disyembre 2022.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page