top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Nakatikim ng masarap na luto… DINGDONG, NAINLAB KAY MARIAN DAHIL SA SINIGANG NA HIPON

Writer: BULGAR
BULGAR
12 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 22, 2026



Marian Rivera Dingdong Dantes - IG

Photo File / Marian Rivera IG



Pinatikim ng aktres na si Marian Rivera ang broadcast journalist na si Kara David ng putaheng sinasabing naging daan para mahulog ang loob sa kanya ng mister na si Dingdong Dantes.


Sa panayam sa programang Pinas Sarap, napag-usapan nina Kara at Marian ang kuwento sa likod ng “sinigang na hipon ala-Marian”.


Tanong ni Kara, “Paano mo na-discover na favorite n’ya ‘yun?”

“Actually, hindi. Sabi lang n’ya sa ‘kin, marunong ka bang magluto? Sabi ko, ‘Marunong.’ Sabi ko, ‘Ano’ng gusto mo?’ Sagot n’ya, ‘Anything na may soup.’ ‘Yun ang pinakamadali,’ kaya sabi ko, ‘Sige, magsi-sinigang na hipon ako.’


“Tapos, kinain n’ya. Parang ‘di ko nga alam kung totoong sarap na sarap s’ya. Parang typical, parang lahat, kahit nakapikit, ang dali-daling magluto ng sinigang na hipon,” nakangiting kuwento ni Marian.


“Tapos, lagi na n’yang hinihingi?” tanong pa ni Kara.

“Oo,” simpleng sagot ni Marian.


“Ano ‘yun, mag-asawa na kayo nu’n?” dagdag na tanong ni Kara.

“‘Di pa, dyowa lang. Hahaha! Parang ‘di n’ya in-expect na… Akala n’ya, umarte-arte lang ako na Cavite na parang walang alam.


“Sabi ko, marunong ako magluto, marunong maglaba, marunong mamalantsa, lahat! Kasi na-train ako ng lola ko na kailangan, alam ko lahat ang gawaing-bahay,” sagot ng aktres.

“Guys, kumuha na kayo ng notes ninyo kasi ito ang nagpa-in love kay Dingdong. Kung gusto ninyong magkaroon ng Dingdong, magluto kayo nito,” birong sey naman ni Kara.


Well, now I know kung bakit isa sa mga handa nina Marian at Dingdong noong araw ng kanilang kasal ang sinigang na hipon. 


Sa dami ng pagkaing inihanda, ito pa talaga ang isa sa mga tumatak kay yours truly.

‘Yun lang, and I thank you!





‘Di raw nananakot… 

KONSEHAL ALFRED SA MGA TAGA-KYUSI: MAGHANDA SA TAGTUYOT SA ENERO



NAGPAALALA ang aktor at Quezon City councilor na si Alfred Vargas sa mga residente ng Quezon City na maging handa sa posibleng epekto ng matinding init ng panahon.


Sa kanyang Facebook (FB) post, nagbahagi si Alfred ng video kung saan nagbigay siya ng ilang paalala at mungkahi upang mapangalagaan ng mga residente ang kanilang kalusugan at kaligtasan.


“MAGING ALERTO TAYO, QCITIZENS! MAGHANDA SA MATINDING TAGTUYOT SA QC SIMULA SA ENERO,” saad ni Alfred sa kanyang caption.


Sa kanyang video, binigyang-diin ng aktor ang kahalagahan ng maagang paghahanda at sinabing hindi layunin ng kanyang paalala na manakot kundi hikayatin ang mga residente na maging handa.


Ilan sa kanyang mga paalala ang madalas na pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration, pagsusuot ng preskong damit, paggamit ng payong o sumbrero kapag lalabas at pag-iwas sa mabibigat na gawain, lalo na tuwing katanghalian.


Pinayuhan din niya ang mga residente na maghanda ng sapat na suplay ng inuming tubig at pagkain, gayundin ang maging maingat sa paggamit ng kuryente.


Binigyang-pansin din ni Alfred ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs). Aniya, mahalagang manatili sila sa mas malamig na bahagi ng bahay, painumin ng tubig kahit hindi pa nauuhaw at regular na kumustahin, lalo na ang mga mag-isang nakatira o bedridden.


Pinaalalahanan din niya ang mga residente na agad humingi ng tulong sakaling makaranas ng matinding pagkahilo, pagkalito o iba pang sintomas na maaaring dulot ng matinding init.


Korek ka riyan, Alfred. Sa panahon ngayon, mas mabuting laging handa kaysa magsisi sa huli.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page