top of page

Parusa sa pagtataksil sa asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2024
  • 4 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 25, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Nadiskubre kong may ibang babae ang aking asawa, at mayroon silang 3 taong gulang na anak. Nang kumprontahin ko siya, itinanggi niyang may karelasyon siya at iginiit niya na ang bata ay resulta lamang ng isang beses na pagkakamali nilang dalawa. Aniya, hindi niya sinasadyang saktan ako. Pinag-iisipan ko na maghain ng kasong Violence Against Women.  Maaari bang gamitin ng aking asawa bilang depensa na hindi niya sinasadyang saktan ako? — Lira



Dear Lira,


Ang mga pangako ng Estado sa pagtataguyod ng pag-aasawa bilang isang institusyong panlipunan at sa pagpapalakas ng pagkakaisa ng pamilya ay hindi maaaring gamiting dahilan upang hayaan ang karahasan ng kapareha/asawa. 


Sa pagsasaayos ng mga probisyong ito ng Konstitusyon at ng batas, kinikilala ng Korte na ang karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak ay isang malaganap at nagtatagal na sakit ng lipunan na nangangailangan ng interbensyon ng Estado sa anyo ng Republic Act (R.A.) No. 9262. Sa nakasaad na layunin nitong protektahan ang kababaihan at kanilang mga anak mula sa lahat ng uri ng karahasan sa tahanan at mga banta sa kanilang kaligtasan at seguridad, ang R.A. No. 9262 ay nagpapatibay ng buklod ng mag-asawa at nagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa sa pamilya.


Kaugnay nito, sa kasong XXX vs. People of the Philippines, G.R. No. 252739, ika-16 ng Abril 2024, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, ipinahayag ng ating Kataas-taasang Korte Suprema na ang pagtataksil sa asawa na nagreresulta sa mental at emosyonal na paghihirap ay pinaparusahan sa ilalim ng nasabing batas:


 “x x x What is certain at this point, however, is that when AAA witnessed for herself proof of XXX’s infidelity, it caused her uncontrollable emotions that could only be described as, ‘iyak [nang] iyak.’ It is more in accord with normal human behavior to feel and act utterly deceived and betrayed and consequently, experience mental and emotional sorrow, when one is cheated on by their own spouse. xxx


Another argument that XXX had raised before the trial and appellate courts – which the Court now wishes to address, due to its important legal implications–is that YYY is not his mistress but rather, merely a one-time sexual partner. xxx


Again, XXX is wrong with his gravely misguided reasoning. xxx


An illicit sexual encounter committed by a male person, however casual or infrequent, constitutes marital infidelity that is tantamount to psychological violence punishable by the provisions of Republic Act No. 9262. This is easily apparent from Sec. 3(c) of the law which defines psychological violence, to wit:


C. ‘Psychological violence’ refers to acts or omissions causing or likely to cause mental or emotional suffering of the victim such as but not limited to intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse and marital infidelity. xxx


Here, AAA’s trauma due to her discovery of XXX’s cheating was both palpable and searing. The trial court observed that her ‘anguish can readily be seen during her narration of events.’ XXX’s sexual affair bore him a child outside his marriage, and this point must be emphasized: when the unfaithfulness was discovered, the boy was already four years old. This only means that XXX’s deceit and clandestine, extramarital affair went on for four years, which he consciously hid from AAA for that long until it was finally unveiled.


xxx We hereby hold that in instances of marital infidelity, the requirement of specific criminal intent to cause mental and emotional suffering is already satisfied at the moment the perpetrator commits the act of marital infidelity. This finds basis in the fact that marital infidelity is inherently immoral and depraved under prevailing societal, cultural, and religious norms. In the normal course of human behavior, an aggrieved wife will never approve of a rogue and wandering husband, and vice versa. The same line of reasoning just cannot be applied in cases of willful denial of financial support. In other words, marital infidelity, divorced from its legal connotations, is an act which is essentially wrong in itself. To pose a rhetoric, what else could adulterers have expected to cause upon their spouse when they committed an act of unfaithfulness, aside from mental and emotional pain?”


Sa pagtataksil sa asawa, ang requirement na kriminal na layunin o motibo na magdulot ng pagdurusa sa isip at emosyon ng kanyang asawa ay natupad na sa sandaling ang salarin ay gumawa ng akto ng pagtataksil. Ito ay batay sa katotohanan na ang pagtataksil sa asawa ay likas na imoral at masama sa ilalim ng umiiral na mga pamantayan sa lipunan, kultura, at relihiyon. Sa normal na takbo ng pag-uugali ng tao, ang isang asawang naagrabyado ay hindi kailanman papayag sa panloloko ng kanyang asawa. Sa madaling salita, ang pagtataksil sa asawa ay mali. 


Sa madaling salita, ang ipinagbabawal na pakikipagtalik na ginawa ng isang lalaki, ito man ay kaswal o madalang, ay pagtataksil sa asawa na maaaring magdulot ng sikolohikal na karahasan sa kanyang asawa, na siya namang pinarurusahan sa ilalim ng Republic Act No. 9262. Kaya naman, hindi maaaring gamitin ng iyong asawa na depensa ang aniya ay kawalan niya ng intensyon na saktan ka at ang ginawa niyang pagtataksil ay minsanan lamang, kung ito ay mapatutunayan na nagdulot pa rin sa iyo ng sikolohikal na karahasan o trauma.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page