Paraan para maipawalang-bisa ang kasal ‘pag hindi nakipagtulungan ang asawa
- BULGAR
- Sep 30, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 30, 2021
Dear Chief Acosta,
Maaari bang umusad ang kasong pagpapawalang-bisa ng kasal kahit hindi makipagtulungan o sumang-ayon ang aking asawa na masuri ng doktor para mapatunayan ang kanyang kakayahang gampanan ang mga tungkulin sa akin at sa aming pamilya? – Jona
Dear Jona,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa kasong Rosanna L. Tan-Andal vs. Mario Victor M. Andal (G.R. No. 196359, May 11, 2021, Ponente: Honorable former Associate Justice Marvic Leonen):
“While ideally, the person to be. diagnosed should be personally interviewed, it is accepted practice in psychiatry to base a person's psychiatric history on collateral information, or information from sources aside from the person evaluated.312 This is usually done if the patient is not available, incapable, or otherwise refuses to cooperate, as in this case […]”
Bukod pa rito, maaaring pagbasehan ng doktor, expert witness ang testimonya ng ibang taong nakapaligid o nakakakilala sa inyong asawa o kaya ay mga sulatin at/o pahayag na ginawa nito sa ibang mga panahon o proseso upang mapag-aralan ang kanyang pagkatao, kaugnay ng kakayahang gampanan ang kanyang mga tungkulin sa inyo.
Maliwanag na ipinabatid ng Kataas-taasang Hukuman sa parehas na kaso na:
“At any rate, this Court said in Marcos that personal examination of the allegedly psychologically incapacitated spouse is "not [required] for a declaration of [ nullity of marriage due to] psychological incapacity. " So long as the totality of evidence, as in this case, sufficiently proves the psychological incapacity of one or both of the spouses, a decree of nullity of marriage may be issued.”
Samakatwid, at ang pinakamahalaga naman ay ang pangkalahatang kalalabasan ng mga ebidensiyang maipipresenta sa kasong pagpapawalang-bisa ng kasal ang magiging basehan ng Hukuman para sa desisyon kaugnay nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments