Para tuluyan nang maka-move on kay Daniel… FANS, BAWAL MAG-COMMENT SA IG NI KATHRYN
ni Nitz Miralles @Bida | January 5, 2024

Sa Thailand sinalubong ni Kathryn Bernardo at ng kanyang pamilya ang New Year at sa ipinost nitong mga larawan, makikitang masaya si Kathryn na ang pamilya ang kasama.
Sa video, makikitang nagsayawan ang Bernardo family na may hawak pang light stick.
Marami ang ininggit ni Kathryn sa kinain na Tomyum at parang paborito niya ito dahil hindi lang isang beses kinain. Sa mga larawan niya, TomYum ang nasa harapan na kinakain niya.
Akala namin, wala lang nagbabanggit ng pangalan ni Daniel Padilla sa mga comments sa post ni Kath, hanggang nakita naming limited ang puwedeng mag-comment sa kanyang post. Maganda na rin ito para tuluyan nang makapag-move on ang dalawa.
Samantala, sa pagpasok ng 2024, umaasa ang mga fans ni Kathryn na matutuloy na ang pelikula niyang Elena 1944 na noon pa nai-announce. Excited ang mga fans dahil si Olivia Lamasan ang director nito bukod sa kakaibang pelikula at kakaibang role ang gagampanan ni Kathryn.





Comments