top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Para malaman daw kung malinis ang anak… PANTY NI BEA, INAAMOY NG MADIR

BULGAR
May 10, 2021
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 10, 2021




“The newest YouTube sensation, Mary Ann or Madame M!” ito ang pagpapakilala ni Bea Alonzo sa kanyang ina bilang most requested guest sa kanyang YouTube channel sa episode na Never Have I Ever with my Mom na itinaon niya sa Araw ng Mga Ina kahapon.


Sabi ng mama ng dalaga, “Talaga ba, Ms. Bea? Hello beautiful people, dahil sa request n’yo, heto ulit ako.”


Inamin ng mama ng aktres na nag-e-enjoy siya sa guestings niya sa YT ng anak pero hindi niya type magkaroon ng sariling channel.


Pasabog kaagad ang unang tanong na “Never have I ever had a one-night stand.”


“I have” ang sagot ni Madam M kaya napasigaw ang anak ng, “Oh, my God! Hahaha!”


Buwelta ng nanay ng dalaga, “Kahit hindi ako maganda (taas ang kilay), ‘Day! Pasensiya na, tao lang, marupok!”


Tawang-tawa pa rin ang aktres at hindi makapaniwala sa nalaman sa ina.

Isa pang rebelasyon ng ina ay kapag nakikita raw niya ang crush niya ay hindi niya alam kung ano ang gagawin.


“Mahirap lang kami nu’ng bata, so kailangan kong magtinda ng kangkong. Along the way, sa pagde-deliver ko ng kangkong, nandoon ‘yung crush ko. My God, alam n’yo (ang) gagawin ko? Iikutin ko ang buong baryo ‘wag lang niya akong makita. ‘Di ba, hindi na nga ako maganda, tapos makikita pa niya akong may pasan-pasan na kangkong?” pangangatwiran nito.


Nabuking naman si Bea sa tanong na, “Never have I ever nakipaglambutsingan or make out sa kotse.”


“I have,” ang sagot ng aktres na ikinagulat ng ina.


“Oh, my God! Bea Alonzo, nakakahiya ka! Yucks, Diyos ko (sabay ismid sa anak)!”

Natawa rin si Bea sa sarili niya at nahiya sa huli.


Payo naman ng mama ng aktres sa mga makikipag-date, “Bago kayo makipag-date, banyu-banyo muna.”


Para raw hindi maranasan ang nangyari sa kanya na first date pa lang sa boyfriend niya ay nautot siya sa loob ng sinehan kaya hiyang-hiya siya at dahil dito ay nakipaghiwalay na siya kaagad.

“Hindi man nagpahalata, pero alam kong nabahuan siya kaya nakipag-break na ako,” paliwanag ng mama ng dalaga.


Nabuking na inaamoy ng nanay ng aktres ang underwear niya sa tanong na, “Never have I ever sniffed your underwear to check if it’s clean.”


“Kasi, du’n mo maaano (malalaman) kung malinis ka bang babae, mabango ba ‘yung pinaghubaran mo. Wala akong nakikitang masama. Huwag ninyong ikahiya kung ginagawa n’yo!” paliwanag ulit nito.


Sexy din pala ang mama ni Bea na hindi nakuha ng dalaga.


Sey nito sa kanyang anak, “46-24-34. Bea Alonzo, hindi mo na-reach ‘yun, pero hindi ko na-reach ang mukha mo.”


Sa question naman na “Never have I ever participated as a queen at a Santacruzan parade,”


Sagot kaagad ng nanay ng aktres, “Never guys. ‘Yan ang hinanakit ko sa nanay ko. Alam n’yo kung bakit? Wala akong pinangarap kundi isagala. Alam mo ‘yung mag-Reyna Elena? Hindi niya ako ni-Reyna Elena kasi pangit daw ako, sayang ang gastos, pupulaan ng tao. Alam n’yo, every year tuwing Mayo, lagi lang akong nasa likod ng musikero. Hindi ako nasagala kahit kailan kaya isinagala ko si Bea Alonzo (sabay turo sa anak).”


Muntik palang mamatay si Madam M nang ipanganak niya si Bea at ‘yun ay sinabi niya sa tanong na “Never have I ever had a near death experience.”


“Nu’ng ipinanganak kita, meron,” sambit ng mama nito na ikinagulat ng dalaga.


“Yes, ‘di ba kasi, ang laki mo? Ang tagal kong nag-labor, tapos ang laki mo, 11.2 lbs. ka. Eh, kabataan ko ‘yun. Guys, 19 years old lang ako kaya ako naiwan sa hospital, siya pa naunang umuwi,” pagtatapat ni Mommy Mary Ann.


Nakakatuwa talagang mag-usap ang mag-ina, ang dami mong malalaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page