top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Pantay na karapatan sa pamana ng yumaong hindi kasal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 49 minutes ago
  • 2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 10, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ang yumao ay naiwan ang kanyang nanay at mga anak mula sa kanyang live-in partner. Totoo po ba na pawang ang nanay lang ng yumao ang may karapatan sa mga naiwan niya at wala na para sa kanyang mga anak? — Dina Don





Dear Dina Don, 


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa ating mga batas, partikular ang mga nakasaad sa Republic Act (R.A.) No. 386, o mas kilala sa tawag na New Civil Code of the Philippines. 


Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Artikulo 889 at Artikulo 896 ng nasabing batas ang mga alituntunin sa sitwasyong ang yumao ay naiwan ng kanyang mga magulang, at mga hindi lehitimong anak (non-marital):


“Article 889. The legitime of legitimate parents or ascendants consists of one-half of the hereditary estates of their children and descendants.


The children or descendants may freely dispose of the other half, subject to the rights of illegitimate children and of the surviving spouse as hereinafter provided. 


Article 991. If legitimate ascendants are left, the illegitimate children shall divide the inheritance with them, taking one-half of the estate, whatever be the number of the ascendants or of the illegitimate children.”


Mula rito, hindi po totoo na ang nanay lamang ng yumao ang may karapatan sa naiwanang mga ari-arian ng kanyang anak.


Sa ilalim ng New Civil Code of the Philippines, kung ang yumao ay naiwan ang kanyang ina o “lehitimong magulang” at mga anak na hindi lehitimo o “non-marital children,” parehong may karapatan sa mana ang mga ito. Sa madaling sabi, may bahagi sa mana ang parehong nanay at mga anak.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page