Halos 100 testigo, ihaharap ng defense, VP Sara malabong mahatulan ngayong 2026

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 26, 2026

SA DAMI NG TESTIGO NG DEFENSE TEAM BAKA TAPOS NA ANG YEAR 2026 WALA PANG HATOL ANG IMPEACHMENT COURT KAY VP SARA — Inanunsyo ni Atty. Michael Poa, miyembro ng defense team ni Vice President Sara Duterte, na ngayong sila naman ang maglalatag ng mga ebidensya na mag-uumpisa sa November 9, 2026, ay higit sa 90 testigo raw ang ihaharap nila sa impeachment court.
Naku po, ‘eh sa dami nang ipepresenta na 'yan ng defense team ni VP Sara ay baka tapos na ang year 2026 ay wala pang hatol ang impeachment court sa kasong impeachment ng Bise Presidente, boom!
XXX
SAKALING MAKASUHAN DIN NG IMPEACHMENT SI PBBM, 2 NA SILA NI VP SARA ANG MAY IMPEACHMENT CASES AT ONLY IN THE ‘PINAS LANG ANG PRESIDENTE AT VP ANG INI-IMPEACH — Matapos ideklara ng Supreme Court (SC) na unconstitutional ang ilang probisyon sa 2024, 2025 at 2026 national budget na kasama sa nilagdaan ni President Ferdinadn “Bongbong” Marcos jr., (PBBM), ay magkasunod na sinabi nina ACT Teacher partylist Rep. Antonio Tinio at Navotas City Rep. Toby Tiangco na maaaring next year (2027) ay maharap din daw sa impeachment ang presidente.
Kaya kung ang impeachment case ni VP Sara ay aabot next year at masasampahan din ng impeachment si PBBM sa susunod na taon, aba sa mga bansa sa buong mundo, only in the ‘Pinas lang na ang presidente at bise presidente ay parehong may kinakaharap na kasong impeachment, tsk!
XXX
SANDIGANBAYAN MABABATIKOS KAPAG INABSUWELTO NILA SI CONG. MARTIN ROMUALDEZ — Sa idinaos na biglaang protesta ng August Twenty One Movement (ATOM) sa bantayog ni former Sen. Ninoy Aquino sa Makati City, ay tiniyak ni Tindig Pilipinas co-convenor Kiko Aquino Dy na babantayan o tutukan daw nila ang mga galaw ng Sandiganbayan upang matiyak na guilty ang maihahatol kay Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez sa kinakaharap nitong kasong plunder.
Dahil nakabantay ang ATOM at Tindig Pilipinas sa kaso ni Cong. Romualdez ay huwag magkakamali ang Sandiganbayan na iabsuwelto si Cong. Romualdez kasi tiyak na puputaktihin sila nang batikos ng mamamayan sa social media, period!
XXX
MAYOR ISKO AT MAYOR VICO HINDI KABILANG SA GINAWARAN NG 'POOK GALING AWARDS' KASI PAREHO SILANG 'NGANGA' SA ILLEGAL GAMBLING — Hindi nakabilang sina Manila Mayor Isko Moreno at Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga city mayor na ginawaran ng Malacañang ng "Pook Galing Awards."
Maaaring kaya hindi sila nabigyan "Pook Galing Awards" ay dahil wala silang ipinakikitang galing sa pagsugpo sa illegal gambling sa kanilang mga nasasakupan kasi nga mula nang maging alkalde si Yorme Isko ay "nganga" lang ito sa raket na lotteng nina "Boy Abang" at "Lorna" sa Maynila, gayundin si Mayor Vico na "nganga" din sa raket na STL-bookies nina "Kits" at "Egay" sa Pasig City, boom!





Comments