top of page
Search
  • BULGAR

Panindang walang price tag, tindahan ipasasara, may multa pa

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 21, 2023


Dear Chief Acosta,


Noong isang araw ay pumunta ako sa tindahan upang mamili ng mga pangangailangan sa aming bahay. Ilan sa mga paninda nila ay walang presyo na nakasulat o walang nakalagay na price tag sa kanilang produkto. Ganito ba talaga o may batas tayo na tungkol dito? - Glen

Dear Glen,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4(c) ng Republic Act No. 10909, na kilala bilang “No Shortchanging Act of 2016”, kung saan nakasaad na:

“Section 4. Regulated Acts. — It shall be the duty of the business establishment to give the exact change to the consumer without waiting for the consumer to ask for the same. x x x

(c) Price Tags. — It shall likewise be the duty of business establishments to use price tags, when appropriate, indicating the exact retail price per unit or service which already includes the taxes applicable to the goods or services being offered. These establishments shall also put signs in conspicuous places within the establishments or reflect in the official receipts issued, the taxes incorporated in the retail price per unit of goods or services. This is to avoid misleading the consumers as to the exact price they have to pay for the goods or services and, consequently, the exact change due them.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang mga business establishments ay inaatasang gumamit ng price tag, kung saan nakalahad ang eksaktong presyo ng produkto o serbisyo, kasama na ang buwis na nakapataw sa nasabing produkto o serbisyo. Karagdagan dito, ang mga business establishments ay kinakailangan din na maglagay ng mga signs o nakasaad na sa kanilang resibo, ang buwis na kasama na sa retail price ng bawat produkto o serbisyo nila.


Ang dahilan nito ay upang maiwasan ang hindi angkop na impormasyon tungkol sa eksaktong presyo ng mga produkto na dapat bayaran at ang tamang sukli kung saka-sakali. Kaya naman, lumabag sa batas ang tindahan na iyong pinuntahan dahil hindi nakalathala ang presyo ng mga paninda nito. Dahil dito, maaari itong mapatawan ng multa at maaari ring masuspinde o makansela ang lisensya nito kung paulit-ulit na ang paglabag alinsunod sa Seksyon 6 ng batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page