top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

It’s Showtime at MMFF movie nila ni Paulo, apektado… KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 12, 2026



TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Hinahanap na ng mga fans si Kim Chiu sa tuwing nanonood sila ng It’s Showtime! (IS). Iba pa rin daw ang ambiance kapag nasa noontime show ang Chinita Princess.


Nagmarka sa mga viewers ang pagiging bungisngis at masayahin ni Kim. Kaya kahit na naroroon sina Anne Curtis at Karylle, iba pa rin daw ang ambag ng aktres.


Isang malaking palaisipan para sa mga tagahanga ni Kim kung bakit bigla siyang nag-leave sa IS. Posibleng sa Marso 2027 pa raw siya muling mapanood. Walang malinaw na dahilan kung bakit siya biglang nawala.


Ngayon, balitang nasa Canada si Kim at nakatira sa isa niyang kapatid. Iniwan niya sa ‘Pinas ang kasong qualified theft na isinampa niya laban sa kanyang Ate Lakam Chiu.


Paano kaya magpo-promote ng MMFF entry nilang A Perfect Marriage sina Paulo Avelino at Kim Chiu kung wala sa bansa ang Chinita Princess sa December? 





After 23 yrs., balik-concert din… 

VIVA HOT BABES, WALANG BALAK MAKIPAGKUMPITENSIYA SA SEXBOMB



MAY isyu ngayon tungkol kay Maui Taylor ng Viva Hot Babes. 

Diumano, tutol siya sa pagsama ng VMX Babes sa reunion concert ng grupo nila na gaganapin sa New Frontier Theater sa October 23.


Itinanggi naman ito ni Maui at nilinaw na wala siya sa posisyon upang tumutol sa pagsama ng mga Vivamax stars sa naturang event.


Hindi alam ni Maui kung sino ang nagpakalat ng nasabing isyu. 


Excited na ang lahat ng Viva Hot Babes sa kanilang reunion concert na Bulaklak. After 23 years, muli silang magkikita at magsasama-sama.


Ang Viva Hot Babes ay binubuo nina Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree Bautista, Gwen Garci, Ella V. at Maui.


Hindi nila in-expect na magkakaroon sila ng reunion concert. At hindi rin maiwasang maikumpara ang Viva Hot Babes sa Sexbomb Girls na super-successful ang concert sa Araneta Coliseum.


Nagkaroon pa ito ng ilang repeat dahil marami ang hindi nakapanood at nag-request na ulitin. Maging abroad ay marami ang Pinoy fans na gustong mapanood ang pagbabalik ng Sexbomb Girls.


Well, walang balak ang Viva Hot Babes na makipagkumpitensiya sa Sexbomb.





Pantapat sa mga serye ng ibang networks…

MOMMY GUARD NINA MARVIN AT JOLINA, MALA-PELIKULA SA DAMI NG CAST



AKTIBUNG-AKTIBO pa rin ang mga diehard fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. For more than 20 years, hindi sila iniwan ng kanilang mga tagahanga. 

At kahit matagal nang namahinga ang Jolina-Marvin love team, patuloy na umaasa ang mga fans na muli silang magkakasama.


Nabigyan nga ito ng katuparan sa sitcom na Mommy Guard (MG) na produced ng TV5 at ipapalabas na sa October 19. 


Kaya naman, nagdiriwang ngayon ang MarJo (Marvin at Jolina) fans dahil balik-tambalan ang kanilang mga idolo.


Sa ipinasilip pa lang na teaser ng MG noong mediacon ay super-kilig na ang mga fans sa mga eksena. Naroroon pa rin ang magic sa kanilang tambalan kahit may kani-kanya na silang pamilya ngayon. 


Ramdam na ramdam pa rin ang malakas nilang chemistry.


Sabi nga ni Direk Roman Perez, Jr., ang MG ang pantapat nila sa mga afternoon drama ng ibang networks. Gusto nilang magpasaya ng mga viewers.


Well, malaki ang cast na parang pelikula ang dating. Iba’t ibang talents ang pinagsama-sama rito. May mga stand-up comedian, taga-teatro, at vloggers din na magbibigay ng ambag at talento sa sitcom.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page