top of page

Panibagong batch ng mga ‘sundalo,’ ilalabas para mas palabuin ang isyu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | March 16, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nagkakainitan nang todo ang US at Iran. 

Parang ganyan din ang away nina Sen. Ping Lacson at Sen. Rodante Marcoleta. 

Kumbaga, bomba kontra bomba. 


—$$$–  


INAAKUSAHAN kasi si Lacson na itinatago at ikinukubli si ex-Speaker Martin Romualdez. 

Ayon kay Marcoleta, gamit na panggalang ang inter-parliamentary courtesy.

Paktaylo.


 —$$$–


SA diskarteng takipan, masisira ang kredibilidad ng Blue Ribbon Committee at maging ang kabuuan ng Senado. 

Ipinapatawag at inuusisa ang resource person na walang gaanong alam at nakakaiwas ang mga aktuwal na sangkot sa katiwalian.


 —$$$–   


PUMAPALAG si Marcoleta. 

"Hindi po karaniwang pagnanakaw ang nangyari sa kasaysayan ng ating bansa, mismong kaban ng bayan ang tumagilid? Pagkatapos magtatago kayo sa prinsipyo o doktrina ng inter-parliamentary courtesy?”


 —$$$– 


Lumala ang sitwasyon nang lumutang ang 18 ex-Marines.

Aktuwal silang nagbunyag ng personal nilang karanasan sa pagdeliver ng  maleta- maletang pera sa mga kilalang pulitiko.

Hindi ito isang tao, kundi kolaborasyon ng 18 testigo.


 —$$$–  


MARAMI ang nagtatanong kung ito ba ay tunay na whistleblowing o bahagi ng panglilito upang mailayo ang atensyon sa sentro ng imbestigasyon.

May mga bulung-bulungan pa na ang nasabing press conference ay pinondohan umano ng kampo ni Romualdez upang guluhin ang takbo ng mga pagdinig. 

He-he-he!


—$$$– 


Totoo kaya na may ikalawang batch daw ng mga “sundalo” na ilalabas sa mga susunod na araw?


Mula naman daw ito sa ibang grupo, pero-pareho ang layunin—ang maglabas ng panibagong kwento na magpapalabo sa isyu. 

Ha-ha-ha!


—$$$– 


KUNG may mga pangalan na paulit-ulit na lumilitaw sa mga alegasyon, hindi makaiwas dito ang pangalan ni Romualdez.

Dapat itong iprayoridad dahil nakataya ang national interest. 


----$$$--


NGAYON, may bagong pokus ang lahat—giyera sa Middle East at ang economic crisis dahil aabot sa P200 ang presyo kada litro ng petrolyo.

Matatabunan ang isyu sa flood control at pandarambong.

Hay, buhay!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page