Panggigipit at power play, patuloy sa lumalang krisis ng Senado
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | June 3, 2026

Kumbaga sa Ukraine, under intense pressure ang Senado.
Binobomba ng nakawiwindang na missiles.
Ayun, “nabiyak” sa dalawang panig at “naparalisado.”
-----$$$--
Hating-hati sa “mayorya” at “minorya” ang kapulungan o plenaryo.
Parang giyera, binobomba at inatake ang mga miyembro at “reputasyon.”
----$$$--
Bukod kay Sen. Jinggoy Estrada, may banta rin ng arrest order kina Sen. Francis “Chiz” Escudero, Sen. Rodante Marcoleta, at Sen. Joel Villanueva.
Nanindigan si Estrada na “kalokohan” ang kasong isinampa laban sa kanya.
-----$$$--
NILINAW ni Estrada na mismong ang Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) ang nagpatunay na wala itong insertions sa 2025 budget.
Ibunyag din ni Estrada na ilang beses itong inalok na talikuran ang Majority Bloc kapalit ng pagbasura sa kanyang kaso na hindi niya tinanggap.
-----$$$--
MAGING si Senate President Alan Peter Cayetano at mga senate employees ay biktima ng “panggigipit.”
May ulat na balak sampahan sila ng kaso ukol sa naganap na atake sa Senado.
-----$$$--
DEDMA lang ang mga kalaban sa pulitika sa partisipasyon ng NBI at ng bagong minority sa mga insidenteng ito.
Iyan ang dahilan kung bakit mahalaga ang paninindigan ni Cayetano na hindi dapat magpa “takot” o mabiktima ng “pressure politics” ang Senado.
-----$$$--
NAGTATAKA ang mga kritiko kung ano ang nangyari sa mga bilyun-bilyong na ninakaw nina Henry Alcantara.
Bakit hindi kinakanti ang mga congressman na involved sa mga contractors?
-----$$$--
Dahil ba na lilitisin ng bagong liderato ng Senado ang flood control scam ay takot na ang lahat na mabulgar ang katotohanan?
Harapan na ang panggigipit na ginagawa sa Senado para mabuwag ang bagong mayorya!
----$$$--
Tama lang na igiit na kailangang protektahan ng Senado ang sarili nitong kalayaan bilang isang co-equal branch of government.
Malinaw ang punto ni Cayetano, hindi ito tungkol sa pagprotekta sa isang kaalyado kundi sa pagprotekta sa dignidad at independence ng Senado.
----$$$--
Hindi dapat pinapatakbo ang Senado gamit ang pressure politics, media frenzy, at pampublikong pagpapahiya.
Kapag ang isang co-equal branch of government ay nagsisimulang kumilos dahil lamang sa pressure, nawawala ang tunay na kahulugan ng institutional independence.
-----$$$--
Ang usapin ngayon ay hindi lamang tungkol kay Jinggoy Estrada.
Ang mas malaking tanong ay kung hanggang saan at hanggang kailan maaaring diktahan ng pressure politics ang kilos ng Senado.
----$$$--
KAPAG nasanay ang Senado na gumagalaw dahil sa takot at pressure, hindi na ito Senado.
Isa na lamang itong institusyong nakaluhod habang nagpapanggap na malaya.
----$$$--
KUNG ganun, hindi lamang Senado ang talo kundi ang mismong prinsipyo ng checks and balances.
Iyan ang pundasyon ng demokrasya at demokratikong proseso—kaya’t dapat ingatan—kapwa ng mayorya at minorya!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments