top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

Pangakong bonus ni PBBM sa mga titser, ‘wag sanang mapako

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 7, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


29 KASONG PERJURY NA MAY KATUMBAS NA 174-YEAR KULONG ISASAMPA NI VP SARA KAY GRACIOSO — Matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte na hindi niya kilala si former Pat. Rodulfo Gracioso, na walang katotohanan ang alegasyon nito na tumanggap ng male-maletang may pera mula kay former Speaker Lord Allan Velasco, ay sinabi ng Bise Presidente na dahil 29 daw ang mali sa affidavit ng dating pulis, ay pakakasuhan daw niya ito (Gracioso) ng 29 din na kasong perjury.


Hala! Lagot si Gracioso, kasi ang katumbas ng isang kasong perjury ay 6-year imprisonment, at kapag napatunayan sa korte na guilty siya sa 29 counts ng perjury cases, eh 174 years na pagkakakulong ang magiging hatol sa kanya ng hukuman, nakupo!


XXX


KAHIT SINONG DUTERTE NA KAKANDIDATO KAYANG IPANALO NG 32-M DDS — Sabi pa ni Vice President Sara Duterte na sinabihan daw siya ng kanyang ina na umuwi na lang ng Davao City at ang kanyang kapatid na si Mayor Baste Duterte na lang daw ang kumandidato sa pagka-presidente sa 2028 presidential election.


Sa totoo lang, si VP Sara, si Mayor Baste o maging si Cong. Pulong Duterte ang kumandidato sa pagka-presidente ay malaki ang tsansang manalo o maging presidente ng bansa, kasi nga 32 million ang mga Duterte Diehard Supporter (DDS) na ang bilang na ito ay may kakayahang magpanalo ng isang Duterte sa 2028 presidential election, boom!


XXX


SANA HINDI MAPAKO ANG PANGAKONG MGA BENEPISYO NI PBBM SA MGA GURO — Sa nakaraang pagdiriwang ng National Teachers’ Day ay ipinangako ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na dadagdagan ng kanyang administrasyon ang mga benepisyo ng mga public school teachers sa buong bansa.


Aba'y good news 'yan, kung tutuparin ni PBBM ang pangako niyang ito.

Pero kung mapapako ang pangakong ito sa mga guro, na ibig sabihin, hindi magkakaroon ng katuparan ang pangako ni PBBM, bad news 'yan, period!


XXX


MGA KABATAAN, GALIT SA BSKE POSTPONEMENT NA NILAGDAAN NI PBBM — Nagsampa rin ang iba't ibang grupo ng mga kabataan ng petisyon sa Supreme Court (SC) na humihiling na ibasura ang nilagdaang batas ni PBBM na postponement ng Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Nov. 2, 2026.


Patunay ang petisyon na iyan na kahit mga kabataan ay galit sa ginawa ni PBBM na paglagda sa BSKE postponement, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page