top of page
Search
  • BULGAR

Pamilya, mas boto kay Alden… ECHO, NANLILIGAW NA KAY KATHRYN

ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 16, 2024




Gaano kaya katotoo ang ibinulgar ni Ogie Diaz na nabalitaan daw ng kanyang source na nanliligaw na umano si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo?


Ayon pa sa kanyang source, tila mas boto ang pamilya ni Kathryn sa isa pa nitong manliligaw na si Alden Richards. 


Matatandaang nitong mga nakaraang buwan, madalas ding nagkakasama sina Kath at Echo. Pero, may nakapansing wala ang aktor sa house warming ng aktres kamakailan. 


Sa bagong episode ng Showbiz Update nina Ogie at Mama Loi, may pasabog sila na nanliligaw nga rin daw si Echo kay Kath aside kay Alden. 


"Ang sabi rin ng aking source ay nanliligaw din daw itong si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo." 


So, kung totoong nanliligaw na rin naman si Alden kay Kath, may the best man win na lang!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page