top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

YAM, 2 BESES IKAKASAL, ISA SA TATE, ISA SA 'PINAS

  • BULGAR
  • Jul 18, 2021
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 18, 2021



Ngayong katapusan ng Hulyo, 2021 ang kasal ni Yam Concepcion sa kanyang fiancé na si Miguel CuUnjieng na gaganapin sa Manhattan, New York City, USA at dadaluhan ng kanilang mga kaanak at malalapit na kaibigan.


Matatandaang noong Disyembre, 2019 ginanap ang wedding proposal ni Miguel kay Yam sa Niseko, Japan at nitong Hunyo, 2021 lang inilantad ni Yam sa kanyang YouTube channel na engaged na siya.


Sa intindi namin ay may mga proyekto pa siya noon at kailangan niyang tapusin bukod pa sa hindi pa siya nagpapaalam sa kanyang management, ang Viva Artist Agency. Kaya pala dumalaw noon sa Viva si Miguel para ipagpaalam ang aktres at kaya pala may post din noon na boto raw ang mga Del Rosario sa boyfriend noon ni Yam.


Fast forward, sa exclusive interview ni MJ Felipe kina Yam at Miguel sa New York City na ipinalabas sa TV Patrol nitong Biyernes ay inamin ng dalaga na dalawang buwan na siya sa Amerika at siya ang nag-aasikaso ng mga papeles na kailangan sa kasal nila.


“Since nandito tayo sa US, ikaw lahat magpa-plan nu'n. Wala akong taga-tulong planning all these things. Hindi naman siya grand celebration, we just want it very simple and very intimate. Ako lahat. Stressful pala siya talaga,” pahayag ng aktres.


Nabanggit din ni Yam na ngayon lang niya nabigyan ng sapat na panahon si Miguel dahil nga 6 years silang LDR (long-distance relationship) kaya sinulit niya nang husto ito.


Aniya, “I've been loving New York so far, two months na ako dito and what I celebrate the most is the time that I spend with Miguel. Kasi six years din kaming LDR, finally we get to enjoy time together, extended time together. Siyempre, mahirap 'yun, kasi 'yung love language ko is physical touch, so mahirap nang hindi mo siya kasama.”


At sa dalawang buwan nilang pagsasama ay inuunti-unti na ng dalaga na ayusin ang kanilang bahay sa NYC na ipinost din niya sa kanyang YT channel ang pamimili nila ng mga bagong gamit roon.


Isinama ng aktres ang kanyang fur baby na chihuahua na si Tiny sa Amerika at nakakaaliw si Miguel dahil tinawag niya itong spoiled at siya ang naglalabas para mag-poop at magwiwi ito sa certain area sa labas ng building nila tuwing umaga at bago matulog sa gabi. Laging bitbit ng dalawa ang kanilang fur baby na nagsilbing intro to Parenting 101.


Anyway, dahil sa COVID-19 restriction ay hindi makakadalo ang Mommy Bebs Concepcion ni Yam sa kasal nito base na rin sa pahayag sa amin ilang linggo na ang nakararaan.


Sa Manhattan, New York City gaganapin ang civil wedding at dito sa Pilipinas naman gagawin ang church wedding kaya makakadalo na ang mommy ng aktres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page