Pambato sa Miss U 2020, balik-'Pinas na… RABIYA, MAY GUWAPONG BUSINESSMAN NA INIWAN SA TATE
- BULGAR
- Jul 1, 2021
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 01, 2021

Dumating na sa bansa si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at kasalukuyang naka-quarantine sa isang hotel na hindi binanggit.
Nitong Martes nang hatinggabi umalis ng California, USA si Rabiya at inihatid siya sa Los Angeles International Airport ng kilalang aesthetician sa Amerika na si Olivia Quido-Co, CEO at owner ng O Skincare and Med Spa na matatagpuan sa Cerritos Mall sa California.
Nagpa-dinner muna si Ms. O kina Rabiya kasama ang kaibigang si 2014 Miss Universe Philippines MJ Lastimosa sa paboritong restaurant ng una sa Crustacean Beverly Hills, California.
Ivinideo ni Ms. O ang dalawang beauty queens, “Hi guys, so you’re with MJ and Rabiya. Are you excited to go home?”
“I am. I miss my mama. Mama, uwi na ako,” say ni Rabiya sabay kaway.
Ayon naman kay MJ, “I am not ready yet so I’m staying more, haha!"
Hindi sabay umuwi sina MJ at Rabiya dahil naiwan ang una at mananatili siya nang 10 araw sa US.
“What can you say about my favorite restaurant here?” tanong ni Ms. O sa dalawa.
“Masarap kasi may rice,” sagot ni Rabiya.
“Masarap kasi may vegan menu,” say naman ni MJ.
“Ayan, swak sa taste ninyong dalawa," sabi ni Ms. O.
Nagpasalamat ang dalawang beauty queens sa sponsors nila sa dinner kasama ang asawa ni Ms. O na si Jason at ang naging nanay ni Rabiya sa buong pananatili niya sa Amerika na si Byhydee Marie na base na rin sa caption ng larawan nilang dalawa.
“Few hours before I fly back home, I just wanna post an appreciation message to my second mom here in US. Thank you for all the help, support and love! Thank you for being with me in 14 different cities, 14 different experiences. You are one of the best people I got to know in this US trip! I love you Mama @byhydeemarie.”
Samantala, tinanong ni Rabiya si MJ, “Mami-miss mo ba ako?”
“Slight lang, 10 days lang,” tumawang sabi ni MJ.
Ipinost din ni Rabiya ang larawan nila ng kilalang American-Iranian film/TV director na si Cyrus Nowrasteh.
Ang caption ng dalaga: “One day before I leave US, I was privileged enough to have a dinner with Hollywood Director @nowrastehcyrus, the man behind the movie The Young Messiah and many more great films.”
Maraming nag-aabang na reporters ngayon kay Rabiya dahil sa maraming katanungan tulad ng naging journey niya sa pamamalagi niya sa Amerika, kung saang TV network siya pipirma dahil sabi niya sa panayam niya kay Boy Abunda, pagdating niya ay nakahanda na ang lahat.
At siyempre, kung may balikang mangyayari sa kanila ng dating karelasyong si Neil Salvacion at kung sino ang sinasabing manliligaw niya na naroon din sa Los Angeles during her stay na base sa aming source ay guwapo at businessman.





Comments