top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ
Search

ni Ka Ambo @Bistado | October 21, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Natauhan ang Malacañang.

Ipinaubaya na lamang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pakikipag-usap sa Chinese ambassador.

Napakalaking tama.


----$$$--

Pamumulitika, propaganda at pagpapapogi ang ginagawa ng ilang pulitiko sa pagbatikos sa China.

Akala nila ay katulad nilang gunggong ang mayorya ng mga Pinoy.

Alam ng ordinaryong Pinoy na hindi “kaaway ng Pilipinas” ang China.

Ang kaaway dito ay ang mga “gunggong na lider” ng China pero hindi kailanman ang bansa ng China.


----$$$--

DAPAT ay maingat sa paglalabas ng personal o opisyal na pahayag ang mga national leader kaugnay sa relasyon ng Pilipinas at China.

Kasama sa dapat mag-ingat sa pagsasalita si Defense Secretary Gibo Teodoro.


-----$$$--

DAPAT linawin ng DND na mahalaga ang relasyong diplomatiko ng Pilipinas sa China.

Binabatikos lamang dito ay hindi ang bansang China, bagkus ay ang mali o dispalinghadong pahayag ng mga tiwaling opisyal ng China.


---$$$--

KAKAMBAL ng kultura ng Pilipinas ang China; kumpara sa kultura ng mga Amerikano.

Hindi puwedeng mabuo ang kasaysayan ng Pilipinas nang hindi kasama ang China.


-----$$$--

MAS angkop na sabihin na ang China ay unang nasakop ng kontrol ng Binondo kaysa sa kontrol ng Beijing.

May pagkakataong nasakop ng mga sinaunang Pinoy ang ilang teritoryo ng China.

Kumbaga, hindi dapat dumidipensa ang Pilipinas, bagkus ay umu-opensa sa kulturang Tsino.


-----$$$---

SUMASANDAL sa produksiyon ng pagkain ang mga Tsino sa Pilipinas sa panahon ng tag-yelo sa naturang bansa, kaya’t nabuo ang Banaue Rice Terraces.

Magkakambal ang bituka ng mga taga-Norte at mga taga-China.


------$$$--

ANG Taiwan ay karugtong ng Batanes at Ilocandia.

Maraming istorya na magkakambal ang kanilang kultura.


-----$$$--

KULTURA ang pundasyon ng lahat.

Ang problema, ilang senador kaya ang nakakaunawa ng katagang “kultura.

Mas bihasa sila sa “kultura sa korupsiyon.”


----$$$--

NABUBURA na sa eksena ang bulto-bultong shabu na nasabat sa barko sa Thailand patungong Maynila.

Ibinababad ang balita sa mas kakaunting bolyum ng shabu mula Laos na sakay ng private jets.

Malaki ang problema natin sa larangan ng pamamahayag.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 20, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Hanggang ngayon walang malinaw na resulta sa imbestigasyon kaugnay ng tangkang pagpuslit ng 1.7 toneladang shabu mula sa Laos at Thailand papasok sa Maynila.

Talagang markado ng “mafia.”


-----$$$--

Pinag-iinitan ngayon ang China.

Alam kaya nila ang kanilang ginagawa?

Imposibleng i-ban ang transaksiyon sa China.

Guguho ang ating ekonomiya.


----$$$--

Taliwas sa paniniwala ng marami, magkaibigan ang China, US at Russia.

Mula sa pagbisita ni US President Donald Trump sa panahon ng Asean Summit sa Nobyembre 15, 16, 17. lilipad ang pangulo ng Kano sa China.

Mag uusap-usap sina Trump, Xi Jinping at Vladimir Putin.


-----$$$--

MALI at dispalinghado ang diskarteng galitin ang mga Pinoy kontra China.

Kakambal ng kasaysayan ng Pilipinas ang mga Tsino.

Next year, bababad sa media ang mga presidentiable na sina Sen. Bong Go at  Defense Secretary Gibo Cojuangco Teodoro na parehong “dugong Tsino.”

Sa apelyido pa lang ay bistado na.


-----$$$---

KAHIT ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal Mercado ay may dugong Tsino.

Maging ang popular na TV-Radio personality na si Jessica Soho ay aminadong may dugong Tsino.


----$$$-

KAPAG pinalayas ang mga negosyanteng Tsino at ipagbawal ang produktong “Made-In-China” magiging ghost town ang Divisoria, Baclaran, supermarkets, malls , bangketa at public market.

Malulugi ang Shopee, Lazada at mawawala ang mga e-bike kapag nagalit ang Pinoy sa Tsino.


----$$$--

KAHINAAN ng kukote ang mga iresponsableng pahayag ng mga mambabatas na hindi nila alam ang kanilang pinagsasabi at ginagawa.

Ang anumang isyu tungkol sa China particular ukol sa West Philippine Sea ay dapat ipinauubaya sa Department of Foreign Affairs (DFA) at hindi rin sa Department of National Defense (DND).

May protocol; hinggil dito, dapat itong ipatupad upang maibsan ang kaguluhan, sanhi ng mga dispalinghadong mga opinion , pahayag at aksiyon.


-----$$$--

NAKAKAHIYA ang mga senador, hindi nila alam ang kanilang trabaho at responsibilidad.

Bukod sa inaakusahang mga mandarambong, kahinaan pa rin ng kukote ang pahayag kaugnay sa China.


.----$$$--

KUNG kabulastugan at kamangmangan ang ginagawa ng Chinese ambassador, huwag sanang ipakita ng mga senador na sila ay bopol din.

Hayaan natin magmukhang tanga ang ambassador ng China.

Hindi lang virus ang nakakahawa, bagkus ay maging ang pagiging “mangmang.”


-----$$$--

GUMAGRABE na ang sitwasyon sa Middle East.

Apektado diyan ang ekonomiya.

Umabot na sa P63 kada dolyar ang palitan.


-----$$$--

SA pagpasok ng 2027, mababawasan na ang poder ni PBBM.

Ang mga hunyanggo ay magpapalit na ng kulay.

Kaawa-awa na naman ang pamilya Marcos, mabibiktima na naman ng mga traydor at mga halang ang kaluluwa!


-----$$$--

KAILANGAN bumuwelo na ang pamilya Marcos sa tinatawag na “graceful exit” sa pagpasok ng 2027.

Hindi na kasi puwedeng kumandidato si PBBM.


-----$$$--

HINDI rin puwedeng ikansela ang 2028 election, malaking gulo ‘yan.

Pero, ere pa rin ang ating “political tips.”

May malalaking pagbabago sa pulitika sa Pilipinas, pagdating ni Trump sa Maynila next month.

Paniwalaan-dili ang mga magaganap!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | September 23, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nasa Malacañang na ang enrolled bill sa pagpi-fixed sa termino ng barangay official sa limang taon.


Kapag nilagdaan ni PBBM, awtomatikong ililiban ang eleksiyon mula Nobyembre 2, 2026 tungo sa Nobyembre 2028.


Pero kapag binasted o nai-veto—tuloy ang halalan sa araw ng mga patay.

Paktaylo!


----$$$--

May kontra, may pabor sa naturang panukalang batas na inapura sa dis-oras ng Undas.

Baka naman “walang available cash’ ang national treasury pero inililihim lang.

Dinambong ng mga kawatan!

Kwidaw!


-----$$$--

Bagsakang piso kontra dolyar.

Ibig sabihin, tataas ang halaga ng mga imported goods.

Ibig sabihin, magpipiyesta ang mga ismagler!


----$$$--

Ang kaliwa’t kanang kontrabando mula sa Aduana ay bunga ng malaking palitan ng dolyar!

Lahat ay matutuksong magkontrabando.


----$$$--

TULAD ng inasahan natin, may bagong bentahan ng epektos na nakumpiska ng Aduana.

Ang tawag diyan ay “hot items” –kahit naka-frozen.

Ha! Ha! Ha!


-----$$$---

MATAPOS masabat ng Metro Manila Highway Patrol Group ang pagbebenta ng ilegal na sigarilyo noong Agosto, sumunod naman ang mga nasakoteng 10-15 toneladang smuggled chicken meat.

Sa maniwala kayo o hindi, ito ay naganap sa isang rendering facility sa Sta. Maria, Bulacan noong isang araw lamang. 

Itinatago ang impormasyong iyan sa publiko.


-----$$$--

NAGPANGGAP umano na buyer ang mga operatiba ng NBI  para mahuli sa akto ng pagbebenta ng frozen chicken drumstick na nagkakahalaga ng higit kumulang P7 milyon. 

Imbes na sinusunog ito, sinasabing ibinebenta pa sa publiko ng isang babaeng suspek na nahuli ng NBI. 

Naku po, totoo ba iyan?


----$$$--

“BUKOD pa ito kasi ang balak pa nilang ibenta sa amin ay 81 tons. Subalit ang nailabas muna ay itong mga 10 to 15 tons na nakumpiska natin. Ang ibinebenta po nila sa amin ay tatlong container vans , iyong for destruction,” ayon sa isang panayam ng isang TV reporter sa isang NBI officer.


---$$$--

NAKAPAGTATAKANG iisang lugar ang pinagmulan at bentahan ng mga nakumpiskang sigarilyo at frozen chicken meat. 

Isinagawa ito ng mga hinihinalang kontrabandista sa magkasunod na buwan.

Tsk! Tsk! Tsk!


----$$$--

BAKIT kaya hindi alam ng hepe ng Aduana ang ganitong klaseng kabulastugan sa kanyang ahensiya?

Dapat ay totohanin niya ang mga imbestigasyon upang lumutang ang totoo at hindi siya mapag-initan ng Malacañang.


----$$$--

SAYANG naman ang effort ng mga taga-Aduana sa pagkumpiska, kung ang mga kontaminadong epektos ay naibebenta pa rin sa merkado.

May kutsabahan ba?

Delikado diyan  ang kalusugan ng mga inosenteng konsyumer, lalo na ang mga nakabili ng frozen chicken!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page