top of page

Pagtanggi ng ospital sa emergency na sitwasyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 5, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ang buntis kong asawa ay malapit nang manganak nang dinala ko siya sa ospital. Tinanggihan siya ng ospital dahil ayon sa doktor, hindi nila kayang tanggapin ang asawa ko dahil sa kakulangan ng pasilidad. Legal bang tumanggi sa emergency na ito? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. — Nico CS



Dear Nico CS,


Patuloy na nagtatatag ang gobyerno ng mga batas at regulasyon upang matiyak ang mandato nitong magbigay ng sapat na pangangalaga sa kalusugan para sa mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng batas ukol sa regulasyon ng pagtanggi ng mga ospital, pribado man o pampubliko, na magbigay ng nararapat na medikal na paggamot at suporta sa mga kaso ng emergency o malulubhang kondisyon.


Sa ilalim ng Seksyon 1 ng Republic Act (R.A.) No. 10932 o mas kilala sa tawag na “An Act Strengthening the Anti-Hospital Deposit Law,” ipinagbabawal ang pagtanggi ng anumang ospital o clinic na magbigay ng paunang medikal na serbisyo base sa walang kawalan ng deposito. Ayon dito:


Section 1. Section 1 of Batas Pambansa Bilang 702, as amended, is hereby further amended to read as follows:


‘Sec. 1. In emergency or serious cases, it shall be unlawful for any proprietor, president, director, manager or any other officer and/or medical practitioner or employee of a hospital or medical clinic to request, solicit, demand or accept any deposit or any other form of advance payment as a prerequisite for administering basic emergency care to any patient, confinement or medical treatment of a patient in such hospital or medical clinic or to refuse to administer medical treatment and support as dictated by good practice of medicine to prevent death, or permanent disability, or in the case of a pregnant woman, permanent injury or loss of her unborn child, or noninstitutional delivery: x x x


Nasasaad din sa batas na maaaring tumanggi ang isang attending physician sa isang pasyente sa kadahilanan ng kakulangan sa pasilidad. Batay pa rin sa nasabing probisyon ng batas:


x x x Provided, That by reason of inadequacy of the medical capabilities of the hospital or medical clinic, the attending physician may transfer the patient to a facility where the appropriate care can be given, after the patient or his next of kin consents to said transfer and after the receiving hospital or medical clinic agrees to the transfer: Provided, however, That when the patient is unconscious, incapable of giving consent and/or unaccompanied, the physician can transfer the patient even without his consent: Provided, further, That such transfer shall be done only after necessary emergency treatment and support have been administered to stabilize the patient and after it has been established that such transfer entails less risks than the patient’s continued confinement: x x x

   

Sa madaling sabi, maaaring tanggihan ng isang attending physician ang isang pasyente kung kulang sa pasilidad ang ospital o clinic para makapagbigay ng sapat at nararapat na panggagamot. Dagdag pa rito, ang pagpayag (consent) ng pasyente o ng pinakamalapit na kamag-anak, at pagpayag ng tatanggap na ospital o clinic ay kinakailangan bago tanggihan ang isang pasyente. Kinakailangan din na kaugnay ng pagtangging ito ay ang pagseguro na ang emergency na paggamot at suporta ay ibinibigay upang patatagin ang pasyente at matukoy na ang paglipat sa kanya ay may mas kaunting panganib. 


Upang sagutin ang iyong katanungan, nakasaad sa nasabing batas na ang attending physician ay may pagpapasyang huwag tanggapin ang iyong asawa dahil sa kakulangan ng pasilidad. Ngunit, bago ito maisagawa, kinakailangan ang pagpayag ng iyong misis o ninyo bilang asawa, ang pagpayag ng lilipatang ospital o clinic, at paglapat ng mga kinakailangan paggagamot at suporta bago ang paglipat.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page