top of page
SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz.jpeg

Pagtanggal sa mana ng anak

Writer: BULGAR
BULGAR
40 minutes ago
3 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 26, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta, 


Bago mamatay ang nanay ko, sumulat siya ng huling habilin kung saan isinaad niya roon na “Ayokong makakuha si Em-em ng kahit ano mula sa aking mga ari-arian.” Bagama’t masakit sa akin dahil hindi ko alam kung bakit niya ako tinanggalan ng mana, gusto ko lang sanang malaman kung mayroon bang bisa ang pagtatanggal sa akin ng mana ng nanay ko sa kanyang huling habilin. — Em-em





Dear Em-em,


Ang batas ay nagbibigay ng mga istriktong patakaran para sa pagtanggal ng mana. Ayon sa Article 915 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas, ang isang kompulsaryong tagapagmana ay maaaring tanggalan ng mana kung siya ay nakapagbigay ng mga rason na itinakda ng batas. 


Bukod dito, mas importante nating maintindihan kung paano ba nagkakabisa ang nakasulat sa isang huling habilin patungkol sa pagtanggal ng mana. Nakasulat sa Article 916 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas na ang isang taong gumagawa ng huling habilin ay maaaring tanggalan ng mana ang kanyang mga kompulsaryong tagapagmana. Kailangan lang na ito ay malinaw na nakasaad sa huling habilin, lalong lalo na ang rason patungkol dito. Kailangan din na ang rason sa pagtatanggal ng mana ay ang mga dahilan na ibinigay ng batas. Narito ang pahayag: 


“Article 916. Disinheritance can be effected only through a will wherein the legal cause therefore shall be specified.” 


Ngayon, alamin natin ang mga dahilan na pinapayagan ng batas para tanggalan ng mana ang isang anak. Ayon sa Article 919 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas: 


“Article 919. The following shall be sufficient causes for the disinheritance of children and descendants, legitimate as well as illegitimate:


(1) When a child or descendant has been found guilty of an attempt against the life of the testator, his or her spouse, descendants, or ascendants;


(2) When a child or descendant has accused the testator of a crime for which the law prescribes imprisonment for six years or more, if the accusation has been found groundless;


(3) When a child or descendant has been convicted of adultery or concubinage with the spouse of the testator;


(4) When a child or descendant by fraud, violence, intimidation, or undue influence causes the testator to make a will or to change one already made;


(5) A refusal without justifiable cause to support the parent or ascendant who disinherits such child or descendant;


(6) Maltreatment of the testator by word or deed, by the child or descendant;


(7) When a child or descendant leads a dishonorable or disgraceful life;


(8) Conviction of a crime which carries with it the penalty of civil interdiction.”


Malinaw ang nakasaad sa batas na sa pagtanggal ng mana ng anak, kailangang ito ay maliwanag na nakasaad sa huling habilin ng magulang at kailangan ang rason o dahilan sa pagtatanggal ng mana ay nakasaad din sa nasabing huling habilin. 


Samakatuwid, maaaring hindi magkaroon ng bisa ang pagtanggal ng mana sa iyo ng iyong nanay dahil bagama’t nakasaad sa kanyang huling habilin na ikaw ay tinatanggalan niya ng mana, hindi niya isinulat ang dahilan o rason para rito. Kaya hindi siya nakatupad sa isang palatuntunan ng batas na ibinigay para sa pagtanggal ng mana. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page