top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg

Livestreaming, kaya ipinatigil… REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600

Writer: BULGAR
BULGAR
25 minutes ago
4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 26, 2026



SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz

Photo: FB Ogie Diaz / PBB



Umabot na sa 2,600 ang complaints na nakarating sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula sa mga netizens tungkol sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0) mula sa dating 1,300.


Limang araw lang ang nakalipas ay dumoble na ang reklamong natanggap ng ahensiya ng gobyerno.


Batay ito sa report ni Ogie Diaz sa vlog na Showbiz Update kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh at Oliver Carnay.


“Nauubos nga raw ang panahon ng mga MTRCB members kung paano nila ‘to haharapin (ireresolba),” saad ni Ogie.


“Anu-ano nga ba ang mga reklamong natanggap?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

“Marami, eh, ‘yung mga awkwardness ng mga housemates, mga shippers tulad nina Jeo Ong at Gehlee Dangca (JeoLee), Jeo at Mikee Quintos (JeoKee). Talagang dito mo malalaman kung gaano kalakas si Jeo, pero ‘di naman ‘to ang punto ng mga tao kung bakit nila inirereklamo ang PBB.


“Marami na raw violations sa kultura dahil conservative ang mga Pinoy at (maraming magulang ang nagko-complain).


“Imagine mo, 2,600 ang complaints na na-receive ng MTRCB dahil sa pagtutok ng netizens sa 24/7 live streaming,” esplika ni Ogie.

Kaya nga tinanggal na ang live streaming ng PBB Collab 3.0, kaya nagwala ang mga netizens at ilang social media influencers din ang nag-comment na ibalik ito.


Ang punto ni Ogie ay hindi naman pinalabas sa TV ang live streaming kaya magbase na lang sana ang MTRCB sa mga napanood sa free TV dahil hindi naman sakop ng MTRCB ang streaming platforms.


“Kaya nga magulo ‘yan at feeling ko lang, and I would suggest na ganito rin lang at baka lalo pang lumubog sa mga complaints ang PBB, eh, alisin na lang ang live streaming,” diin ng content creator/host.


Samantala, narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksiyon ng mga netizens tungkol sa mataas na bilang ng mga nagreklamo sa MTRCB.

Sey ng mga netizens:


“‘Yung sa issue ng PBB, makikita mo gaano na ka-toxic ang mga Pilipino. Lahat na lang inirereklamo. Akala mo naman talaga, may mga sinasabi sa buhay.”

“Our country, the Philippines, is not ready for a true reality show.”


“Regarding naman sa PBB, siguro rito natin makikita kung paano gumalaw ang mga bagong henerasyon ngayon at kung paano sila mapangahas at mapusok pagdating sa pagpapakita ng kanilang emosyon. 


“Biruin mo from PBB 1 (Nene Tamayo, Sam Milby), ngayon lang sila nagkaroon ng libong complaint sa MTRCB. I do not tolerate them for what they did though it seems na ang concept ng PBB ay ipakita ang totoong ugali na walang halong pagpapanggap at pagiging totoo sa sarili. 


“Siguro minsan, nakakalimutan nila na may mga camera sa sobrang busy at comfortable na ‘di na nila napapansin na, ‘Oops, teka muna. Parang may mali ah.’ Let’s face the reality that the generation of today is more different from our generation.”





Allergic, grabe ang inabot…

INKA, NAKAKAIN NG MUSHROOM SA RESTO, ISINUGOD SA E.R.



GRABE ang naranasan ng content creator/voice talent/podcaster na si Inka Magnaye, pero hindi pa rin niya pinangalanan ang restaurant na naghain sa kanya ng pagkaing dahilan kaya siya napunta sa emergency room (ER).


Inalala pa rin ni Inka ang mga staff ng restaurant na nagkamali at posibleng mawalan ng trabaho kapag pinangalanan niya ito, kaya minabuti na lang niyang i-call out ang management na sanayin silang mabuti.


Matatandaang kamakailan lang ay naglabas ng hinaing si Inka dahil ang inang si Lindy Pellicer, veteran voice artist na nagtrabaho bilang nagbibigay ng mga anunsiyo sa loob ng eroplano para sa Philippine Airlines (PAL) noong dekada ‘90 ay nawalan ng trabaho bilang voice-over para sa isang malaking brand nitong Oktubre 2026 dahil sa artificial intelligence (AI).


Anyway, going back to Inka, ipinost niya kagabi sa kanyang Facebook (FB) ang karanasan niya sa nasabing restaurant.


“I had to be rushed to the emergency room because I ingested a lot of mushrooms from a dish that the staff had told me, twice, did not contain mushrooms. The menu also did not list mushrooms as an ingredient.


“When I started feeling my lips get itchy and my throat begin to feel a little swollen, I immediately took an antihistamine. I then looked closer at my dish and saw what looked like minced mushrooms.


“We called the staff to ask again, and they finally came back with apologies saying the dish did have mushrooms. We asked for the bill repeatedly but it was taking them a while. I had to tell them that we needed the bill ASAP (as soon as possible) because I needed to go to the hospital. They gave us a card with their number and said if anything happens, to contact them. I paid my bill and left,” pagdedetalye ni Inka sa nangyari.


Kaya naman na-call out niya ang management ng restaurant.

“Restaurants, please train your staff to take allergies seriously. When someone asks if a dish has an ingredient they are allergic to, please make double and triple sure. Ask the kitchen staff who cooks the dish.


“My allergy is not a common one, so I always ask. But please, when I do, make sure that when you get back to me with your answer, it’s correct (praying hands emoji),” pahayag niya.


Pagkalipas ng ilang oras ay nakipag-ugnayan na kay Inka ang pamunuan ng restaurant.


“I won’t tell you na what restaurant it was, but they’re in touch with me and are taking action to make things right. I just want this to remind restaurants to take allergies seriously,” sabi pa nito.


Sa isa pang video post ay inamin ni Inka na sakitin siya kahit noong bata pa, kaya ingat na ingat siya sa lahat ng ginagawa at kinakain niya kahit na naiinis na siya sa kondisyon niya.


“I’m a sickly person. I’m one of those people, and that’s just how my body is. I’m what happens when two people with hereditary diseases and health conditions have a baby, and I’m that baby. When I was a kid, I was always in the hospital. So much so that when I got confined as an adult, I felt at home because I was always there,” paglalarawan ni Inka sa kanyang lagay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page