Estrada, Marcoleta at Defensor, matagal-tagal pang maghihimas-rehas

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 26, 2026

MAJORITY PINOYS NA PRO-2026 BSKE MALAMANG IBASURA SA 2028 ELECTION ANG MGA 'MANOK' NI PBBM — Sa social media ay mas maraming netizens ang nagpahayag na nais nilang matuloy ang 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at kakaunti lang ang pabor sa "no election."
Kaya kung inaakala ng Marcos administration na tapos na ang isyung ito matapos katigan ng Supreme Court (SC) ang postponement ng 2026 BSKE ay nagkakamali ang gobyernong Marcos kasi tiyak reresbak sa 2028 national and local elections ang majority Pinoys na pro-BSKE election, siguradong ibabasura nila sa halalan ang mga kandidato ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos (PBBM), abangan!
XXX
KUNG TINUPAD LANG NI LEVISTE ANG KANYANG PROMISE NA PAILAW AT TINUPAD DIN NI CUSI ANG KANYANG TUNGKULIN SA DOE, BIDA SANA SILA SA PUBLIKO AT HINDI SANA NA-FREEZE ANG KANILANG MGA BANK ACCOUNTS AT MGA ARI-ARIAN — Nagpalabas ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa mga bank accounts at mga ari-arian nina Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste at former Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi kaugnay sa sabwatan nila sa pagkontrol ng solar energy sa bansa.
Sa prangkisa na ibinigay ng Duterte admin sa Solar Philippines ni Leviste ay magkakaloob ito ng solar energy na 12,000 megawatts sa DOE para magkakuryente ang mga tahanang walang kuryente, pero 200 megawatts lang ang naipagkaloob at pagkaraan ibinenta na ang prangkisa at walang ginawang aksyon dito ang noo'y DOE Sec. Cusi.
Kung tinupad lang ni Leviste ang promise niya at tinupad naman ni Cusi ang tungkulin niya, sana bida sila sa mata ng publiko dahil napailawan nila ang mga madidilim na tahanan ng mga kababayan sa laylayan ng lipunan, pero dahil sa kabulastugang kanilang ginawa!
XXX
HINDI MAIIWASANG SUMAMA ANG LOOB NI FPRRD SA MGA JUSTICES NA APPOINTED NIYA SA SC KASI TINABLA SIYA — Ni-reject ng SC ang habeas corpus petition ni Kitty Duterte na humihiling sa Korte Suprema na pagkaisahang hilingin sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague na pakawalan sa kulungan at pabalikin sa Pilipinas si former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).
At ang masaklap sa isyung ito, karamihan sa nag-reject sa hirit ni Kitty ay mga justices na appointed ni FPRRD sa SC.
Hindi maitatanggi na masamang-masama ang loob ni FPRRD, kasi 'yung mga appointed niya sa SC na inaasahan niyang tutulong sa kanya, ay tinabla siya, tsk!
XXX
MAKAKALAYA LANG SINA SEN. ESTRADA, SEN. MARCOLETA AT CONG. DEFENSOR KUNG DUTERTE ULI ANG MAGIGING PRESIDENTE NG ‘PINAS — Lahat ng mosyon o hirit nina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Rodante Marcoleta at former Cong. Mike Defensor ay tablado sa Sandiganbayan, ibig sabihin niyan, magtatagal pa sila sa kulungan.
Gayunman, may pag-asa pa naman silang makalaya at mangyayari ito kung Duterte uli ang magiging presidente after ng 2028 presidential election, abangan!





Comments