Pagsuspinde ng VAT at excise tax sa langis, solusyon sa oil price hike
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 6, 2026

SA PLENARYO, MAS MARAMING CONG. ANG MAGPAPAPANSIN KAY PBBM, BOBOTO SILA NG PABOR SA IMPEACHMENT NI VP SARA – Limampu't apat na miyembro ng House Justice Committee ang bumotong pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, dahil sa itinuturing nilang sapat ang dalawang impeachment complaints laban sa kanya, habang isa lamang ang kumontra.
Dahil sa bilang na ito, malaki ang posibilidad na sa plenaryo ay mas dadami pa ang botong pabor sa impeachment, lalo na mula sa mga kongresistang anti-Duterte na nais ipakita ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Period!
XXX
SA SUBPOENA LANG NG NBI, ATRAS NA ANG 'BALLS' NG 18 EX-MARINES AT ARMY NA ITINURING PA NAMAN NG MGA DDS NA MATATAPANG DAW – Matapos padalhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena ang 18 ex-marines at ex-army para imbestigahan ang kanilang pag-angkin na nagdala sila ng maletang may pera kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa iba pang opisyal ng gobyerno, hindi nagpakita ang mga ito.
Nakakatuwa, dahil ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ay itinuturing silang matatapang at makabagong bayani, ngunit nang padalhan ng subpoena ng NBI, agad silang nag-atras at nagtago. Boom!
XXX
SOLUSYON SA TAAS-PRESYO NG KRUDO, SUSPENDIHIN MUNA ANG VAT AT EXCISE TAX SA LANGIS – Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na dahil sa digmaan sa pagitan ng US-Israel, at Iran, posibleng umabot sa P80 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Bilang solusyon, iminungkahi ng Marcos administration na pansamantalang suspindihin ang value added tax (VAT) at excise tax sa langis upang hindi tumaas nang labis ang presyo. Period!
XXX
KATIGASAN NG ULO NG MGA ONLINE ILLEGAL GAMBLING VLOGGERS, TINAPATAN NA NG CICC NG KASONG ILLEGAL GAMBLING – Sampung vloggers na nagpo-promote ng online illegal gambling sa social media ang sasampahan ng kaso ng Cybercrime Investigation and Coordinating Council (CICC) dahil sa illegal gambling.
Binalaan na ng CICC ang mga vloggers na itigil ang kanilang promosyon, ngunit hindi sila sumunod, kaya nauwi sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila. Boom!




Comments