top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagpaparehistro ng trademark

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2020
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 17, 2020



Dear Chief Acosta,


Gumawa ang anak ko ng marka ng aming negosyo na balak naming itatak sa mga container ng pino-produce naming mga chili garlic. May proseso bang dapat pagdaanan para masabi naming ang markang ito ay pagmamay-ari namin at tatak ng mga produkto? – Melisa


Dear Melisa,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Sections 121.1 at 122 ng Republic Act (R.A.) No. 8293, as amended o mas kilala sa tawag na Intellectual Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“121.1. "Mark" means any visible sign capable of distinguishing the goods (trademark) or services (service mark) of an enterprise and shall include a stamped or marked container of goods; (Sec. 38, R.A. No. 166a)
Section 122. How Marks are Acquired. - The rights in a mark shall be acquired through registration made validly in accordance with the provisions of this law. (Sec. 2-A, R A. No. 166a).” (Binigyang-diin) 

Sang-ayon sa nabanggit, ang marka ng pagkakakilanlan ng produkto ay tinatawag na trademark at maaaring magkaroon ng karapatan para rito ang tao sa pamamagitan ng pagpaparehistro nito ng naaayon sa batas. Ibig sabihin, masasabi ninyong ang marka na ginawa ng inyong anak ay pagkakakilanlan ng inyong produkto kung ito ay ipaparehistro ninyo sang-ayon sa nasabing batas.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page