top of page
Pokwang.jpg

‘Di sapat ang sorry lang, tutuluyan… MGA HOSTS NA NANLAIT KAY JOSHUA, IPINA-SUBPOENA NA NG NBI

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 17, 2026



WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated

Photo: FB Circulated



Naglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa limang hosts ng comedy podcast na Machong Chismisan kahapon.


Kasunod ito ng pag-viral ng kanilang mga mapang-insultong komento tungkol kay Josh Aquino, anak ni Kris Aquino na may autism spectrum disorder (ASD).


Sinabihan nila itong ‘walang kuwenta’ at ‘nakatunganga lang’ na mas okey pa si Bimby bilang anak.


Iimbestigahan ang umano’y paglabag sa batas na nagpoprotekta sa person with disability (PWD). Pinapupunta ng NBI ang mga hosts sa Cybercrime Division sa hapon ng October 20.


Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, kabilang sa mga pinadalhan ng subpoena ang host na kinilalang si Tito P (Tito Patrioto), na pangunahing nagsalita sa podcast.


Binigyang-diin ng NBI na hindi sapat ang paghingi ng tawad ng mga hosts upang mawala ang kanilang posibleng pananagutang legal at kriminal.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page