top of page

Pagpapakasal sa ilalim ng “marriage by proxy”, walang bisa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 26, 2021



Dear Chief Acosta


Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa ibang bansa at madalas na nakikipag-online chat sa aking kasintahan sa Pilipinas. Kamakailan ay nagdesisyon kaming magpakasal bagama’t nasa ibang bansa ako sa kasalukuyan. Maaari bang magpakasal kami sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaroon ko ng proxy sa gaganaping kasalan? – Lorenzo


Dear Lorenzo,


Para sa inyong kaalaman, ipinagbabawal sa Pilipinas ang marriage by proxy sapagkat labag ito sa aliuntunin ng Article 6 ng Family Code of the Philippines, na nagsasaad na:


“Art. 6. No prescribed form or religious rite for the solemnization of the marriage is required.


It shall be necessary, however, for the contracting parties to appear personally before the solemnizing officer and declare in the presence of not less than two witnesses of legal age that they take each other as husband and wife. This declaration shall be contained in the marriage certificate which shall be signed by the contracting parties and their witnesses and attested by the solemnizing officer.xxx”


(Binigyang-diin)


Ibig sabihin, nararapat na ang mga partido sa kasalan ay personal na magpakita sa harap ng solemnizing officer at magdeklara sa harap ng hindi bababa sa dalawang witnesses na may hustong edad na tinatanggap nila ang isa’t isa bilang asawa. Ibig sabihin, malinaw na ipinagbabawal ang marriage by proxy ng nasabing batas (Jurado, Civil Law Reviewer, 21st Ed., 2009 at 73).


Sa inyong sitwasyon, maituturing na void ang inyong pinaplano na marriage by proxy sa Pilipinas sapagkat hindi ito sumusunod sa formal, ngunit essential requisite ng marriage ceremony na nakapaloob sa Article 6 ng Family Code (Ibid).


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page