Pagpapaampon ng anak bilang pambayad ng utang, ipinagbabawal ng batas!
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 26, 2021
Dear Chief Acosta,
Umuutang ako sa aking kaibigan at nais niyang kunin ang aking bunsong anak kung sakaling hindi ako makabayad sa nasabing utang. Maaari ba ito? – Aldrin
Dear Aldrin,
Ang New Civil Code of the Philippines ang siyang batas na angkop sa inyong sitwasyon.
Ayon sa Article 1409 nito:
“Art. 1409. The following contracts are inexistent and void from the beginning:
1. Those whose cause, object or purpose is contrary to law, morals, good customs, public order or public policy;
2. Those which are absolutely simulated or fictitious;
(3) Those whose cause or object did not exist at the time of the transaction;
(4) Those whose object is outside the commerce of men;
(5) Those which contemplate an impossible service;
(6) Those where the intention of the parties relative to the principal object of the contract cannot be ascertained;
(7) Those expressly prohibited or declared void by law.
These contracts cannot be ratified. Neither can the right to set up the defense of illegality be waived.
(Binigyang-diin)
Samakatwid, hindi maaaring gawing kondisyon ang pagpapaampon sa inyong anak kung sakaling hindi kayo makapagbayad ng inyong utang. Ito ay ipinagbabawal ng ating batas.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments