Pagmamaneho ng turista sa Pilipinas
- BULGAR
- Dec 3, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 03, 2021
Dear Chief Acosta,
Ang aking asawa ay turista at halos isang taon nang naninirahan sa Pilipinas.
Kinakailangan pa ba niyang kumuha ng lisensiya para makapagmaneho kahit nagmamaneho naman siya sa kanilang bansa? – Sugar
Dear Sugar,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 21 ng Republic Act No. 4136, as amended, o mas kilala bilang “Land Transportation and Traffic Code” na:
“SECTION 21. Operation of Motor Vehicles by Tourists. – Bona fide tourist and similar transients who are duly licensed to operate motor vehicles in their respective countries may be allowed to operate motor vehicles during but not after ninety days of their sojourn in the Philippines.
If any accident involving such tourist or transient
occurs, which upon investigation by the Commissioner or his deputies indicates that the said tourist or transient is incompetent to operate motor vehicles, the Commissioner shall immediately inform the said tourist or transient in writing that he shall no longer be permitted to operate a motor vehicle.
After ninety days, any tourist or transient desiring to operate motor vehicles shall pay fees and obtain and carry a license as hereinafter provided.”
(Binigyang-diin)
Ibig sabihin, kung may lisensiya upang makapagmaneho sa kanilang bansa ang turista, maaari silang makapagmaneho sa Pilipinas sa loob ng 90-araw na hindi kinakailangang kumuha ng lisensia sa Pilipinas. Sa inyong sitwasyon, dahil mag-iisang taon na siya sa Pilipinas, kinakailangan na niyang kumuha ng lisensiya upang makapagmaneho.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments