Paglalakad at pagtitipid, bagong mukha ng pang-araw-araw na buhay
- BULGAR

- Mar 28
- 2 min read
ni Fr. Robert Reyes @Kapaayapaan / Patakbo-takbo | March 28, 2026

Ilang beses na tayong nagtangkang magpakarga ng gasolina ngunit palaging sinasalubong ng napakahabang pila ng mga sasakyan. Noong nakaraang Huwebes, muli tayong sumubok—ngunit kakaibang eksena ang tumambad: bakanteng gasolinahan.
Agad tayong pumwesto sa pompahan ng diesel at sinilip ang presyo—P122.00 kada litro. Dati, nasa P58.00 lamang ito. Ibig sabihin, mahigit 100% ang itinaas ng presyo ng diesel at iba pang produktong petrolyo.
Damang-dama na ngayon ang epekto nito. Bumababa ang bilang ng mga sasakyan sa kalsada—lalo na ang mga jeep, taxi, Grab at Angkas. Samantala, dumarami ang mga pasaherong naghihintay ng masasakyan. Siksikan na rin ang MRT at LRT, kahit hindi rush hour.
Kasabay nito, tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga batayang pangangailangan—pagkain, gasul, bigas, gulay, karne, isda at manok.
Nangyayari ang lahat ng ito ilang linggo matapos sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos-Israel at Iran.
Kitang-kita ang epekto ng labis nating pagdepende sa krudo at gasolina. Totoo, gumagaan ang trapiko dahil kumokonti ang sasakyan, ngunit kapalit nito ang hirap ng mga tsuper at pasahero. Marami ang nababawasan o tuluyang tumitigil sa pamamasada dahil lugi na.
Ang tanong: hanggang kailan kakayanin ng karaniwang mamamayan ang ganitong sitwasyon? Hanggang saan aabot ang kanilang naitatabing pondo—kung mayroon man?
Nagsimula nang magbigay ng fuel subsidy ang pamahalaan, ngunit hanggang kailan ito tatagal?
At kung lalala pa ang digmaan at maapektuhan ang suplay ng tubig, kuryente, pagkain at gasolina—ano ang maaari nating gawin?
Sa harap ng ganitong krisis, isang simpleng sagot ang lumilitaw:
SIMPLEHAN ANG BUHAY.
Mula sa usapan ng magkakaibigan, nabuo ang panawagang ito:
S I M P L E H A N… L I K A S L A N G!!!
Lakad lang!
Isang ulam lang!
Tubig lang!
Ligo? Tabo lang!
Tabo na, pang-flush pa!
Sipilyo? Baso, di gripo!
Babad–kusot–laba!
Pagpag–sampay–tiklop!
Paypay lang!
Magtanim para kumain!
Sa kakulangan ng krudo at gasolina—bawasan ang paggamit ng sasakyan. Maglakad kung kaya.Sa kakulangan ng tubig—magtipid at iwas-aksaya.Sa kakulangan ng kuryente—bawasan ang paggamit ng appliances; balikan ang paypay.Sa kakulangan ng gasul—gumamit ng alternatibong panggatong kung kinakailangan.Sa pagtaas ng presyo ng pagkain—mag-aral at magsimulang magtanim.
Kailangang matutunan muli ng lahat ang payak na pamumuhay.
Naalala natin ang adbokasiyang inilunsad noon kasama ang youth triathlete na si Nonoy Jopson—ang PadYaK: Payak at Dalisay na buhaY alay sa Kalikasan. Mula Maynila, tinahak namin ang iba’t ibang lalawigan hanggang Baguio upang isulong ang simpleng pamumuhay na malapit sa kalikasan.
Sa panahon ngayon ng matinding pagsubok, lalong mahalaga ang ganitong pananaw.
Pahirap nang pahirap ang buhay. Panahon nang simplehan muli ito. Panahon nang bumalik sa likas, payak, at dalisay na pamumuhay. Panahon na muli ng PaDYaK.




What a nice blog post to come across today. I liked how naturally the points were explained throughout the text. The whole piece felt thoughtful and well-written. It is always a pleasure to read a blog post that is both clear and engaging. Keep up the great work.
I found this blog article very interesting and easy to enjoy. The author shared useful ideas in a way that felt balanced and reader friendly. A well-crafted blog post should feel informative without sounding forced. I appreciated the steady pace and the clear structure throughout. It was the kind of content that keeps you engaged until the end. I would love to read more from this blog.
This blog article was thoughtful, clear, and pleasant to read. The full article showed that the author understands how to keep readers interested. I enjoyed the balance between useful information and an easygoing tone. The content felt relevant and well arranged. Articles like this make me want to read more. Thank you for sharing your ideas.
Interesting topic and a well structured post. The author presented the information in a clear and accessible format. I enjoyed how easy it was to follow the main idea throughout the article. It is always great when a post feels useful without being overwhelming. This is definitely the kind of content readers appreciate. More interesting articles can be found on ionline.