top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Paglabag sa batas kahit ilang kataga lamang sa nobela ang kinopya

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 23, 2021



Dear Chief Acosta,

Ilang kataga lang naman ang kinopya ko sa nobela, ngunit nagalit na ang may-akda nito at sinabing na-violate ko raw ang kanyang copyright. Tama ba ang sinabi niya sa akin? – Nike


Dear Nike,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Pacita Habana, et al. vs. Felicidad C. Robles (G.R. No. 131522 – July 19, 1999, Ponente: Honorable former Associate Justice Bernardo P. Pardo), kung saan ipinaliwanag na:


“In cases of infringement, copying alone is not what is prohibited. The copying must produce an injurious effect.”


Samakatwid, sa kaso ng infringement, ang ipinagbabawal ay hindi ang simpleng pagkopya ng buo o bahagi ng intellectual property sapagkat magkakaroon ng copyright infringement kung ang pagkopyang ginawa ay nagdulot ng injurious effect o danyos sa orihinal na tagalikha ng nasabing intellectual property. Ibig sabihin, nalabag ninyo ang copyright ng may-akda ng nobela kung ang inyong pagkopya sa kanyang gawa ay mayroong injurious effect sa nasabing author.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page