top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagkuha ng insurance policy para sa ibang tao

BULGAR
Oct 7, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 07, 2021


Dear Chief Acosta,


Halos walong taon nang security guard ang aking asawa. Ilang ulit ko na siyang sinabihang kumuha ng insurance dahil maliliit pa ang mga anak namin, ngunit ayaw niyang pumayag. Maaari bang ako na ang kumuha ng insurance policy na nakapangalan sa aking asawa? – Alexi


Dear Alexi,


Para sa inyong kaalaman, ang Section 11 ng Presidential Decree 1460, as amended, o mas kilala bilang “Insurance Code of 1978”, ang naaangkop na batas sa inyong katanungan.


Ayon dito:


“SECTION 11. Every person has an insurable interest in the life and health.

(a) Of himself;


(b) Of any person on whom he depends wholly or in part for education or support;

(c) Of any person under a legal obligation to him for the payment of money, or respecting property or services, of which death or illness might delay or prevent the performance; and

(d) Of any person upon whose life any estate or interest vested in him depends.” (Binigyang-diin)


Sa inyong sitwasyon, dahil kayo ay nakadepende sa inyong asawa ay maaari kayong kumuha ng insurance policy para sa kanya dahil kayo ay mayroong insurable interest sa kanya.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page