Pagkamatay, biglaan lang daw… RONALDO, WALANG LAST WILL AND TESTAMENT
ni Nitz Miralles @Bida | January 29, 2024

Napanood namin ang interview ni Karen Davila kay Janno Gibbs sa YouTube channel nito at may mga update ang singer-actor sa kanya at sa kanyang pamilya after his dad’s death.
Emosyonal pa rin si Janno, pero he’s holding up well daw, kaya mali ang mga comments na hindi nito masyadong dinamdam ang pagkawala ng amang si Ronaldo Valdez.
Gumaralgal ang boses at naiyak si Janno nang hingan ni Karen ng message for his dad sa pagtatapos ng interview.
“I know you’re in a better place, no more pain and thank you for loving me,” ani Janno.
Nabanggit din ni Janno na isang magandang nangyari sa pagkawala ng ama ay magkatabi na uli silang natutulog ng asawang si Bing Loyzaga.
Parang semi-hiwalay sila noon dahil magkaiba sila ng bahay (pero magkatabing unit lang) at hindi na nga magkatabing natutulog. Ngayon, magkatabi na uli silang natutulog.
Nabanggit din ni Janno na hindi muna sila sa kanilang bahay nakatira ngayon. They are staying in a different place dahil hindi pa raw nila kayang bumalik at tumira sa bahay kung saan pumanaw si Ronaldo. “We don’t want to be near in that house,” sabi ni Janno.
Sa tanong kung walang iniwang sulat si Ronaldo, wala raw at hindi rin totoong may iniwang Last Will and Testament.
“I think it was spontaneous. He was having a bad day,” sagot ni Janno.
Nabanggit din niya na nag-post sa Facebook si Ronaldo ng parang namaalam. Post daw nito, “Life is not fun anymore goodbye.”
Nang mabasa ‘yun ni Janno, he deleted it dahil morbid daw.
Ikaw, Carla, game na?
TOM, HANDA NANG MAGBALIK-GMA-7

Masaya ang mga fans ni Tom Rodriguez dahil bumalik na sa bansa ang aktor na matagal ding nag-stay sa Amerika after his marriage broke up.
Nabanggit na third week ng January, 2024 babalik si Tom at nasunod ang schedule na ‘yun.
In fact, last week pa nasa bansa ang actor, pero Sabado lang siya nakita nang i-post ng manager niyang si Popoy Caritativo ang kanilang larawan. Ang nakasulat lang sa caption ay: “Hello, Tom!”
Ang daming nag-welcome kay Tom at looking forward sila to watch him sa shows ng GMA. Yes, sa GMA pa rin si Tom dahil may mahaba pa siyang kontrata sa network at dahil nakabalik na siya, ang gusto nitong iparating ay he’s ready to work again.
Ang common comment ay looking good daw si Tom at naniniwala ang mga supporters nito na hindi pa rin nawala ang pagiging mahusay nitong aktor.





Comments