top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Paghahain ng reklamo, dapat idaan sa lupon ng barangay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2024
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 25, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


May naipundar ang aking mga magulang na apartment (na may 3 kuwarto), katabi ng aming bahay. Bilang tulong, pansamantalang pinahintulutan ng aking mga magulang na tumira ang aming malayong kamag-anak sa bakanteng kuwarto sa nasabing apartment, at sa kondisyon na aalis sila kapag ninais at kakailanganin na naming gamitin ito. Matapos ang mahigit isang taon, inabisuhan ng aking mga magulang ang aming kamag-anak na gagamitin na ang kuwarto. Binigyan sila ng ilang buwan para makahanap ng malilipatan.  Ngunit, kahit ilang beses nakiusap, hindi pa rin umaalis ang aming kamag-anak at laging nangangatwiran. Nagpadala na rin kami ng sulat, pero hindi sila sumusunod sa aming utos.  Sa tingin namin, hindi na ito madadaan sa usapan, kung kaya binabalak na naming maghain ng reklamo sa korte. Kinakailangan bang idaan muna ito sa barangay? -- Ima



Dear Ima,


Ang Section 12, Rule 8 ng 2019 Amendments to the 1997 Rules of Civil Procedure (A.M. No. 19-10-20-SC, dated 15 October 2019) ay nagtatadhana ng mga batayan para mabalewala o ma-dismiss ang isang reklamo:


“Section 12. Affirmative defenses. – (a) A defendant shall raise his or her affirmative defenses in his or her answer, which shall be limited to the reasons set forth under Section 5(b), Rule 6, and the following grounds: xxx


5. That a condition precedent for filing the claim has not been complied with. xxx


(b) Failure to raise the affirmative defenses at the earliest opportunity shall constitute a waiver thereof. xxx” 


Kaugnay nito, alinsunod sa Rule 9 ng nasabing Rules, ang nabanggit na batayan ay dapat gamitin ng litigante sa pinakamaagang pagkakataon upang ipa-dismiss ang kaso; kung hindi, ang naturang batayan ay itinuturing na tinalikuran na:


Section 1. Defenses and objections not pleaded. – Defenses and objections not pleaded either in a motion to dismiss or in the answer are deemed waived. However, when it appears from the pleadings or the evidence on record that the court has no jurisdiction over the subject matter, that there is another action pending between the same parties for the same cause, or that the action is barred by a prior judgment or by statute of limitations, the court shall dismiss the claim.” 


Ang pangunahing layunin ng barangay conciliation ay upang bawasan ang bilang ng mga paglilitis sa korte at maiwasan ang pagkasira ng kalidad ng hustisya na dala ng walang pinipiling pagsasampa ng mga kaso sa mga korte. Upang makamit ang layuning ito, itinakda ng Section 412 (a) ng Republic Act (R.A.) No. 7160 o “Local Government Code”, na ang pagsasagawa ng mga paglilitis sa pakikipagkasundo sa barangay ay isang paunang kondisyon sa paghahain ng reklamo na kinasasangkutan ng anumang bagay na sakop ng awtoridad ng lupon:


Section 412. Conciliation. — (a) Pre-condition to Filing of Complaint in Court. — No complaint, petition, action, or proceeding involving any matter within the authority of the lupon shall be filed or instituted directly in court or any other government office for adjudication, unless there has been a confrontation between the parties before the lupon chairman or the pangkat, and that no conciliation or settlement has been reached as certified by the lupon secretary or pangkat secretary as attested to by the lupon or pangkat chairman or unless the settlement has been repudiated by the parties thereto.”


Sa partikular, ayon sa Section 409 ng nasabing batas, ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taong aktuwal na naninirahan sa parehong barangay ay dapat dalhin, para sa maayos na pag-uusap, sa harap ng lupon ng barangay:


Section 409. Venue. - xxx


(a) Disputes between persons actually residing in the same barangay shall be brought for amicable settlement before the lupon of said barangay. xxx”


Gayunpaman, nilinaw ng ating Korte Suprema, sa kasong Sps. Julian Belvis, Sr., et. al. vs. Sps. Conrado V. Erola, et. al., G.R. No. 239727, 24 Hulyo 2019, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa na ang barangay conciliation o pagkakasundo sa barangay ay hindi kinakailangan para makuha ng korte ang hurisdiksyon sa kaso:


Although mandatory, the Court, in Lansangan v. Caisip, explained that ‘non-referral of a case for barangay conciliation when so required under the law is not jurisdictional in nature, and may therefore be deemed waived if not raised seasonably in a motion to dismiss or in a responsive pleading.’” 


Samakatuwid, ang hindi pagre-refer ng iyong kaso para sa barangay conciliation, ay maaaring maging dahilan para ma-dismiss ang iyong kaso kung ito ay itataas/ihahayag ng iyong inirereklamo bilang isyu. Kung hindi ito ihahayag ng iyong inirereklamo, maaari pa ring tumuloy ang iyong kaso kahit na hindi ito dumaan sa barangay conciliation.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page