top of page
RUN WILD - “I AM A GOOD PERSON. NO ONE CAN TAKE THAT AWAY” - ALDEN_IG _aldenrichards02.jpe

Sen. Chiz, ayaw raw mag-VP, parang sinabi na niyang mako-convict sa Sara

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 27, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PARANG IPINAHIWATIG NI SEN. ESCUDERO NA 'GUILTY' ANG IHAHATOL NIYA KAY VP SARA KASI SABI NIYA TATANGGIHAN DAW NIYA ANG  ALOK NA MAGING ACTING VP — Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na tatanggihan daw niya ang alok na maging acting vice president kapag na-convict si Vice President Sara Duterte sa kinakaharap nitong kasong impeachment sa Senate Impeachment Court.


Sa tema ng salitang ito ni Sen. Escudero ay waring for conviction o guilty sa impeachment ang magiging boto nito laban kay VP Sara kasi nga hindi pa naihaharap ng defense team ang kanilang mga testigo at ebidensya, ‘eh ang nasa isip na niya ay tatanggihan niya ang alok na maging acting VP ng ‘Pinas.


Dapat ang sinabi ni Sen. Escudero ay sa ngayon mahirap pang mag-decide kung ano ang kalalabasan sa impeachment case ni VP Sara, kung guilty ito o not guilty dahil hindi pa nakapaglalatag ng mga ebidensya at testigo ang defense team, at hindi 'yung parang alam na niya na mako-convict ang bise presidente at ang alok na maging acting VP siya ay kanya raw tatanggihan, period!


XXX


MADALI LANG SABIHIN NA AYAW NIYANG MAGING ACTING VP, PERO BAKA KAPAG NANDIYAN NA ANG ALOK AY BAKA SUNGGABAN AGAD ITO NI SEN. ESCUDERO — Hindi pa rin nakakasiguro ang taumbayan na tatanggihan nga ni Sen. Escudero ang alok na maging acting vp kasi nga wala pang alok dahil hindi pa naku-convict si VP Sara.


Sa totoo lang kasi ay madali namang magsabing ayaw niya, pero kapag nandiyan na ang alok ay baka sunggaban agad ito ni Sen. Escudero at saka mag-explain sa publiko na ginusto ng Malacañang, Senado at Kamara na siya ang maging acting president kaya't wala siyang magagawa kundi tanggapin ang alok, boom!


XXX


SABLAY ANG TAGA-TESDA KASI ANG MADALDAL NA SI SEN. LACSON PA ANG NAPILING SUHULAN NG P5M, KAYA ANG RESULTA NITO, IDINADALDAL NG SENADOR NA MAY TAGA-TESDA NA NANUNUHOL NG P5M —Sablay ang utos ng isang Tesda official na may nag-utos daw sa kanyang staff na alukin si Sen. Ping Lacson ng P5 million na ang pinakalayunin ng "suhol" na ito ay suportahan ang budget na hinihirit ng Tesda para sa year 2027.


Kaya natin nasabing sablay kasi sa dinami-dami ng mga senador, ay ang madaldal na si Sen. Lacson pa ang napili nilang suhulan ng P5M, kaya ang naging resulta niyan ay idinadaldal nito sa media na may taga-Tesda ang nanunuhol ng P5M, period!


XXX


HANGGANG NGAYON WALA PANG PANUKALANG BATAS ANG SENADO AT KAMARA TUNGKOL SA ANTI-DYNASTY KAYA'T ASAHAN NA ANG  SANGKATUTAK NA MAGKAKAMAG-ANAK NA PULITIKO NA NAMAN ANG SABAYANG KAKANDIDATO SA 2028 ELECTION — Matatapos na ang year 2026, pero hanggang ngayon ay wala pang ipinapasang panukalang batas ang Senado at Kamara tungkol sa anti-political dynasty.


Dahil d’yan ay asahan nang sangkatutak na naman na magkakakamag-anak na pulitiko ang sabayang kakandidato sa 2028 election, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page