Paggamit ng postharvest facilities/services, may bayad para sa pagpapanatili at pagpapabuti nito

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 18, 2020
Dear Chief Acosta,
Ako ay miyembro ng organisasyon ng mga magsasaka. Mayroong ibinigay sa amin ang gobyerno na imbakan ng pananim ngunit ang opisyales nito ay naniningil sa amin ng bayad kapag kami ay nag-imbak dito. Tama ba na singilin kami? – Lolito
Dear Lolito,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 13 ng Republic Act (R.A.) No. 7607, o An Act Providing A Magna Carta Of Small Farmers. Nakasaad dito na:
“Sec. 13. Postharvest Facilities/Services. — Every barangay which is predominantly agriculture-based shall be entitled to at least one (1) storage facility and a multipurpose pavement/plaza which can be used for various purposes including drying of agricultural produce.
xxx xxx xxx
The farmers’ organizations may collect reasonable fees for services rendered in connection with the use of such facilities; Provided, That the collections therefrom shall be used only for the maintenance, improvement and expansion of these facilities: Provided, further, That an amount representing rental fees for the land shall be remitted to the barangay, where applicable.”(Binigyang-diin)Alinsunod sa probisyon ng batas na nabanggit, maaaring mangolekta ang mga organisasyon ng bayad para sa serbisyo sa paggamit ng mga pasilidad nito, sa kondisyon na ang mga bayad na makokolekta dito ay gagamitin lamang sa pagpapanatili at pagpapabuti ng nasabing pasilidad.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments