top of page

Pagboto ng 30M Pinoy kay PBBM, dusa ang dulot hindi ginhawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 28, 2025
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 28, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DUSA ANG DULOT NG PAGBOTO NG 30M PINOY KAY PBBM AT HINDI GINHAWA -- Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) ay pumalo na sa 15.5 milyong pamilyang Pinoy ang nakakaranas ng hirap sa Pilipinas.


Patunay ang survey na iyan na dusa ang dulot ng ginawang pagboto ng 30 milyong Pinoy kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at hindi ginhawa, boom!


XXX


DAPAT IMBESTIGAHAN NG SENADO ANG PAKIKIALAM NG CHINA SA ELEKSYON SA ‘PINAS -- Nais ni Sen. Risa Hontiveros na imbestigahan ang napaulat na pakikialam ng China sa May 12, 2025 election sa bansa.


Aba’y dapat lang imbestigahan iyan ng Senado kasi hindi talaga katanggap-tanggap na ang China na nambu-bully sa ‘Pinas ay makialam sa halalan sa bansa, period!


XXX


PAKINGGAN KAYA NI PBBM ANG PANAWAGAN NI SEN. VILLANUEVA NA IAPRUB NA ANG DAGDAG-SUWELDO NG MGA WORKER SA ‘PINAS? -- Panawagan ni Sen. Joel Villanueva na dapat daw aprubahan na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang dagdag-sahod sa mga manggagawa dahil patuloy daw kasing tumataas ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa ‘Pinas.


Eh ang tanong: Pakinggan naman kaya ni PBBM ang panawagan na ito sa kanya ni Sen. Villanueva? Abangan !


XXX


LAHAT NG KANDIDATONG NAMIMILI NG BOTO DAPAT IDISKUWALIPIKA AT KASUHAN AGAD NG COMELEC -- Dapat lahat ng mga kandidatong namimili ng boto at may ebidensya naman ay idiskuwalipika na agad ng Comelec at pagkaraan ay sampahan pa ng kaso.


Panahon na talaga na magpakita ng “ball”" ang Comelec na i-disqualify ang mga kandidatong namimili ng boto para hindi na sila gayahin ng ibang kakandidato sa mga susunod na eleksyon sa ‘Pinas, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page