Pagbenta ng mga pananim na nagsisilbing parte ng tenant sa ani
- BULGAR

- Jan 5, 2021
- 1 min read
Updated: Jan 9, 2021
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 5, 2021
Dear Chief Acosta,
Ako ay isang kasama sa lupang sakahan. Maaari bang isangla ng may-ari nito ang lahat ng mga aanihin naming pananim? Nais ko ng malaman ang kasagutan dito sapagkat mawawalan ako ng parte sa ani dahil dito. – Tim
Dear Tim,
Para sa inyong kaalaman, ang Section 8 ng Republic Act No. 2263, o mas kilala bilang An Act Amending Certain Sections of Republic Act Numbered One Thousand One Hundred Ninety-Nine, otherwise known as the Agricultural Tenancy Act of the Philippines ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon:
“Section 8. Section twenty-seven of the same Act is hereby amended by inserting the following subsections to be known as subsections (4) and (5):
“Sec. 27. Prohibition to the Landholder:
“(4) The landholder shall not mortgage the share of the tenant in the crop, and any mortgage executed by the landholder on the land and/or its crop shall not affect the share of the tenant in such crop. xxx”Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na hindi maaaring isangla ng may-ari ng lupa ang parte ng tenant sa ani. Bukod pa rito, nakasaad din sa nabanggit na probisyon na ang kasunduan sa pagsangla ng lupa o ani ay hindi makaaapekto sa parte ng tenant sa nasabing ani o pananim.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Sa ngaun po di pa na ifile ang aking visa at di pa ako nakapag ma remedical at may kulang pa ako na comelec certificate,
Good afternoon po attorney. Hello po may tanong lang po ako,, nag apply po kasi ako sa agency as a caretaker sa taiwan po,, sa ngaun po ok napo ako sa mga requirements at may isang pinaayos lang po na comelec certificate ,,para ma file na po ang visa, pero need po ulit mag remedical,,, ang problema ko po, nagkaroon po ako ng health problem na nag aalangan na po akong umalis,, maari pa po ba akong mag back out kung health problem ko po ang reason naman,meron po kasi akong breast cyst at pcos,