top of page

‘Pag nasa Senado na ang impeachment ni VP Sara, 19 senador ang boboto para hindi siya ma-impeach

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 22, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAHIL MABANTOT NA ANG LAKAS-CMD, MGA MIYEMBRO NITO, SUMAPI NA SA PARTIDO NI PBBM – Labing-isang kongresista ang kumalas sa kanilang partidong Lakas-CMD at lumipat sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM).


Dahil dito, inaasahang may mga susunod pang miyembro ng Lakas-CMD na tatalikod sa partido upang sumapi sa PFP o sa iba pang political party na kaalyado ng administrasyon.


May mga dahilan naman ang ilang miyembro kung bakit nila iniiwan ang Lakas-CMD. Nabahiran na kasi ng kontrobersiya ang pamunuan nito—pinagdududahang sangkot si Leyte Rep. at dating Speaker Martin Romualdez sa umano’y flood control scandal, habang ang party chairman na si dating Sen. Bong Revilla ay nakakulong dahil sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y flood control projects scam. Tsk!


XXX


AYON SA SURVEY, HIGIT KALAHATI NG PAMILYANG PINOY SA ‘PINAS HINDI AY HAPPY SA MARCOS ADMIN – Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), 33% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing masaya sila sa kanilang pamumuhay.


Ngunit hindi ito dapat ikatuwa ng Malacañang, dahil lumalabas na 67% o higit sa kalahati ng mga pamilya sa bansa ang hindi masaya sa kanilang kalagayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Boom!


XXX


IMPEACHMENT KAY VP SARA, LUMUSOT MAN SA KAMARA, PERO PAGDATING SA SENADO, PARANG NAKASANDAL NA SIYA SA PADER, HINDI SIYA MAI-IMPEACH – Ayon kay dating presidential legal counsel Salvador Panelo, kahit makalusot sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, posible pa rin umano itong mauwi sa pag-aabsuwelto sa Senado.


Paliwanag ni Panelo, kailangan ng hindi bababa sa 16 boto mula sa mga senador na aaktong mahistrado ng impeachment court upang mahatulan ang bise presidente. Gayunman, sa kanyang pagtaya, lima lamang umano ang posibleng bumoto pabor sa impeachment—sina Senate President Tito Sotto at mga senador na sina Ping Lacson, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, at Bam Aquino.


Kung ganito ang magiging resulta, lumalabas na may sapat na bilang ng mga senador na maaaring bumoto para maabsuwelto si Duterte, sakaling umabot sa Senado ang Articles of Impeachment. Period!


XXX


DAPAT BAWASAN NI VP SARA ANG SANGKATUTAK NIYANG BODYGUARDS, KASI BAKA ITO PA MAGING DAHILAN PARA MATALO SIYA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION – May mga bagong atake umano mula sa ilang vloggers na kinikilala bilang loyalists, dilawan, at kakampink laban kay Vice President Sara Duterte. Kabilang sa mga ikinakalat sa social media ang mga video na nagpapakita na saan man siya magpunta ay may kasamang maraming security personnel.


Iminumungkahi ng ilan na bawasan ang bilang ng kanyang mga bodyguard, dahil maaari itong magdulot ng negatibong pananaw mula sa publiko. Ayon sa kanila, maaaring magbigay ito ng impresyon na malayo o hindi madaling lapitan ang bise presidente, na posibleng makaapekto sa kanyang imahe sa hinaharap, kabilang na ang inaasahang halalan sa 2028. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page