‘Pag naparalisado ang Strait of Hormuz, ligwak ang Pilipinas pati si PBBM!
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | March 4, 2026

Nasapawan na ang kaso ni Digong sa ICC ng giyera sa Middle East.
Natabunan na rin ang flood control projects scam at maging ang impeachment complaints laban kay VP Sara.
-----$$$--
Ang problema, may namatay na OFW at nasugatan dahil sa naturang digmaan.
Malungkot ang sitwasyon.
-----$$$--
Nanganganib na maparalisado ang Strait of Hormuz na pinagmumulan ng imported na petrolyo papunta sa Pilipinas.
Malaking dagok ito sa ekonomiya ng Pilipinas at maging sa kalusugan ni PBBM.
-----$$$--
Kasabay ng krisis, aktuwal nang nagmamaniobra para sa 2028 national election.
Lintek!!
-----$$$--
WALANG balita kung nasaan sina Zaldy Co, Atong Ang at Senator Bato.
Nagtataguan.
Magkano?
-----$$$---
NAPATAY ang lider ng Iran na si Ayatollah Khamenei.
Pero, ang ideolohiya ay dinidilig talaga ng dugo ng mga martir—‘yan mismo ang nagpapayabong.
-----$$$--
SA Pilipinas, wala tayong makitang malinaw na ideolohiya.
Wala kasing nagbubuwis ng dugo!
----$$$---
KUWARESMA na.
Mahabang kalbaryo ang naghihintay sa lahat.
-----$$$---
HALATANG-HALATA ang pagkabawas ng timbang ni PBBM.
Pero, si Kris Aquino ay iniuulat na nakakarekober na.
Kailan kaya sila magkikita?
-----$$$--
KASUNDO na kasi ni PBBM ang Liberal Party ni Ninoy.
Baka si Kris ang ikakandidatong bise president.
Nagka-ideya kayo, ano?
-----$$$--
MAKAKALABAN ni Kristeta si Sen. Imee.
Napakagandang laban.
-----$$$--
SA 2028 ay hindi na kasali si PBBM.
Dapat d’yan, mamahinga’t huwag nang sumawsaw at magpagaling siya ng kanyang sakit.
-----$$$--
MAS matanda si Imee kaysa kay PBBM.
Pero sa itsura, mas mukhang matanda si Ading kaysa kay Manay.
-----$$$--
HUWAG ka, mas malakas pa si Madame Meldy.
Pangiti-ngiti lang siya at pabulong-bulong, “malusog ang aking body, mind and spirit.”
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments