Search
  • BULGAR

Pag-IBIG Fund home loan nag-release ng P20.94-B sa unang quarter ng 2021 sa kabila ng pandemya

ni Fely Ng - @Bulgarific | April 15, 2021


Hello, Bulgarians! Inihayag kamakailan ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund na naglabas ang ahensiya ng P20.94 bilyon para sa home loans ngayong 2021 first quarter sa kabila ng pandemya, mas mataas ng 33% o P5.17 bilyon kumpara sa P15.77 bilyong inilabas noong 2020. “We are happy to report that our home loan releases in the first three months of 2021 have increased compared to the same period last year. This increase in our home loan releases means that more Filipino workers are being helped by Pag-IBIG Fund to secure their own homes, which is very important at this time of pandemic. We recognize the role we play in helping keep our members safe in their own homes, as we heed President Rodrigo Duterte’s call for government agencies to provide social benefits to more Filipinos, especially during these challenging times,” pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development at sa 11-miyembro ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Dagdag pa ni Del Rosario, ang P20.94 bilyong home loan sa unang quarter ng taon, 20,712 na miyembro ang nagawang makakuha ng sariling bahay. Mula sa kabuuan halaga, P2.2 bilyong inilabas bilang socialized home loan para sa benepisyo ng 5,074 miyembro ng Pag-IBIG Fund na kabilang sa minimum-wage at sektor na may mababang kita.


Samantala, ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti, kahit na sinusukat laban sa panahon bago pa ang pagpapatupad ng mga quarantine sa mga komunidad, mayroon pa ring pagtaas sa mga pautang sa bahay. Ang ahensiya ay naglabas ng P15.49 bilyong pautang sa bahay mula Enero 1 hanggang Marso 15 ng taong ito, pagtaas ng P546.97 milyon o 3.7% mula sa P14.94 bilyon na inilabas sa parehong panahon noong 2020.


“From September to December last year, our home loan releases were close to “pre-pandemic’ levels. We released more than P6 billion to P7 billion in home loans every month during those months, with December loan releases reaching P12 billion - the highest amount released for a single month in Pag- IBIG Fund's history. We are glad that our momentum in the last quarter of 2020 carried over to first quarter of 2021, despite the challenges caused by the pandemic. In fact, home loan releases in the first quarter of 2021 is 22% higher compared to our loan releases in the first quarter of 2019, which eventually turned out as our best year ever when annual home loan releases amounted to P86.7 billion. We anticipate that our momentum will continue in the succeeding quarters, barring any major catastrophic event, so we help more members become homeowners,” Pahayag ni Moti

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.