top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pag-deny ni Usec. Castro sa oil crisis, nag-boomerang kay PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 25, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


8 REPATRIATED OFWs NA TAGA-BULACAN BINIGYAN AGAD NG AYUDA NI GOV. FERNANDO, PATUNAY ITO NA GANYAN KABILIS UMAKSYON ANG BULACAN GOVERNOR – Sa pagdating sa Pilipinas at pag-uwi sa Bulacan ng walong repatriated Overseas Filipino Workers (OFW) na lumikas mula sa Middle East dahil sa giyera sa pagitan ng US at Iran, agad silang pinasalubungan ng ayuda ni Gov. Daniel Fernando bilang tulong habang sila ay nasa bansa.


Ganyan kabilis kumilos at ganyan kahusay maglingkod sa kanyang mga kababayan si Gov. Fernando. Period!


XXX


KAY PBBM NAG-BOOMERANG ANG SABLAY NA STATEMENT NG MALACAÑANG SPOKESPERSON – Ang sablay na pahayag ni Presidential Communication Office (PCO) spokesperson Usec. Claire Castro ay nag-boomerang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM).


Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, nagbigay si Usec. Castro ng pahayag na wala umanong oil crisis sa bansa. Dahil dito, umani ng batikos ang Malacañang at si PBBM, dahil sa akusasyong nagpapakalat ng maling impormasyon ang tagapagsalita ng Palasyo. Boom!


XXX


KAPAG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA, MAGRI-RESIGN NA SI REAR ADMIRAL TARRIELA KASI HINDI NA NIYA MABABATIKOS ANG CHINA – Kilala si Rear Admiral Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang isang opisyal na hayagang bumabatikos sa pambu-bully at harassment na umano’y ginagawa ng China Coast Guard (CCG) sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea (WPS). Ayon sa kanya, kung mananalo si Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential election, maaari niyang pag-isipan ang pag-alis sa serbisyo at pagbibitiw sa kanyang tungkulin sa PCG.


Ipinunto ni Tarriela na maaaring magbago ang kanyang sitwasyon sakaling magkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng bansa, lalo na kung magiging mahirap para sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang mga pahayag at kritisismo laban sa CCG. Period!


XXX


PAGPAPAPANSIN NI CONG. TIANGCO KAY VP SARA SUMOBRA DAPAT KASI SINABI NIYA NA KAPAG NAGING PRESIDENTE ANG VP, 1M % NITONG PAPANAGUTIN ANG MGA KORUP SA MARCOS ADMIN – Ayon kay Navotas City Rep. Toby Tiangco, sinasabi niyang nais umano ng karamihan sa mga kongresista na ma-impeach si Vice President Sara Duterte dahil naniniwala sila na kapag ito ang naging pangulo, tiyak na papanagutin nito ang mga tiwaling kongresista.


Dagdag pa ni Tiangco, labis ang kanyang paniniwala na aabot sa 1 milyong porsyento ang posibilidad na kikilos ang bise presidente laban sa korupsiyon.


Napansin naman ng ilan na tila sobra ang pagbibigay-diin ni Tiangco sa pahayag, lalo na’t imbes na 100% lamang ang banggit, ginawa pa niya itong 1M%. Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page