Pag-aresto kay Sen. Dela Rosa, fake news, mga anti-Duterte, nanlumo
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 6, 2026

WALANG PATOL SA MGA DDS ANG PINAGTUGMANG TAMANG SAGOT NI SEN. HONTIVEROS AT WALANG SAGOT NI VP SARA SA ISYU NG PAX SILICA – Ikinalat sa social media ng Akbayan ang paghahambing nila sa tamang sagot ni Sen. Risa Hontiveros at sa kawalan ng kaalaman ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng Pax Silica na itatayo sa Clark City, Tarlac.
Gayunman, "wa epek" pa rin ito sa milyun-milyong DDS. Ika nga, hindi batayan para sa kanila ang kawalan ng kaalaman ni VP Sara sa isyu ng Pax Silica upang talikuran siya sa 2028 presidential election. At kahit tama ang naging sagot ni Sen. Risa sa isyung ito, ibabasura pa rin nila siya sa halalang pampanguluhan sa 2028. Period!
XXX
MGA ANTI-DUTERTE, NANLUMO NANG MALAMANG FAKE NEWS ANG NABALITANG ARESTADO NA SI SEN. DELA ROSA – Nang kumalat sa social media ang balitang naaresto na si Sen. Ronald Dela Rosa, nagbunyi ang mga anti-Duterte dahil inakala nilang makukulong na rin ito sa International Criminal Court (ICC), kung saan unang ikinulong si former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD).
Pero heto ang siste: nang makumpirmang fake news ang kumalat sa social media at hindi naman pala arestado si Sen. Dela Rosa, biglang nagsipaglumo ang mga anti-Duterte. Boom!
XXX
NAGING KATAWA-TAWA NA NAMAN SI SEN. PADILLA SA IMPEACHMENT TRIAL – Naging katatawanan na naman si Sen. Robin Padilla sa impeachment trial kaugnay ng pagtatanong niya sa witness na si COA auditor Roderick Wamil tungkol sa confidential funds ni VP Sara.
Inakala kasi ni Sen. Padilla na mga imbestigador ang mga taga-COA. Nang tanungin niya si Wamil ng, "Kayo po ang humahawak ng investigation sa confidential funds," agad itong itinuwid ng COA auditor sa pagsasabing, "Hindi po investigation, evaluation po."
Dahil mali ang tanong ni Senator-Judge Padilla, itinama siya ng witness tungkol sa mandato ng COA na magsagawa lamang ng evaluation at hindi ng imbestigasyon. Dahil dito, naging viral na naman ang senador at muling pinagtawanan sa social media.
Sa totoo lang, wala namang kapangyarihan ang COA na magsagawa ng imbestigasyon. Ang mandato nito ay suriin o i-evaluate ang paggasta ng pondo ng bayan. Kapag may nakita silang kahina-hinala, ipinapaalam nila ito sa Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ), na siyang may kapangyarihang magsagawa ng imbestigasyon. Period!
XXX
‘PAG NA-POSTPONE ANG BSKE 2026, SAKIT-ULO ANG MGA KAKANDIDATO DAHIL MALAKI NA NAGASTOS NILA, TAPOS WALA PALANG ELEKSYON – May mga kongresistang nagsusulong na ipagpaliban ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Nobyembre 2026 at ilipat ito sa Nobyembre 2028.
Kung matutuloy ang pagpapaliban ng BSKE 2026, tiyak na magiging sakit ng ulo ito para sa mga naghahandang kumandidato sa halalang pambarangay. Malaki na ang nagastos ng ilan sa paghahanda, pero wala palang eleksyon sa Nobyembre 2026. Boom!





Comments