‘Padulas’ sa puslit na yosi, talupan
- BULGAR

- 51 minutes ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | August 10, 2026

Lubog na naman ang Metro Manila at iba pang lugar dahil sa “Habagat.”
Iyan ay dahil sa palpak na flood control budget modus ng mga buwaya.
----$$$--
Nauubos ang panahon at resources dahil sa kadadakdak at pagtutok sa imbestigasyon sa nilustay na halos isang trilyong piso mula sa kaban ng bayan.
Pero, malinaw na sangkot ang lahat ng panig.
Dahil sa lawak, ang mga anti at pro ay sabit din!
----$$$--
Pero, bukod sa paglustay ng budget, nasasapawan at nakakalusot ang tradisyonal na graft and corruption sa Aduana.
Kakambal ng Republika ng Pilipinas ang smuggling—sa panahon ng pagkakabuo ng burukrasya.
Hindi ito nareresolba!
----$$$--
May nagsasabi, “Kung may usok, may apoy.”
Ito ay kaugnay ng walang patumanggang pagpasok ng epektos sa Aduana.
Sa totoo lang, matagal na ang garapalang smuggling sa Customs.
Hindi kailanman naresolba ‘yan.
-----$$$--
Sa ngayon, isinasabit ang dalawang mataas na opisyal ng Bureau of Customs sa kabila ng iniyayabang na one-strike policy sa smuggling sa ilalim ng pamumuno ni “Kume.”
Maugong ang tsismis na halos P10 milyon diumano ang naging bigayan para sa tinatawag nilang “Direk See.”
Tsk!!
----$$$--
MAY nagsasabi na kinokolekta mismo ni Agent “Peepee” ang padulas.
Kinainggitan siya kasi dikit umano ito kay Kume.
----$$$--
Ayon sa ilang “marites”, may malaking halaga diumano ang tinanggap ng dalawang kumag sa Aduana.
Nagsilbi daw na “padulas” bilang kapalit sa pagpapalabas ng kalahati sa mga ilegal na sigarilyo na nasabat ng BOC.
Huh? Maselan ‘yan. Totoo ba ‘yan?
-----$$$--
Ang padulas ay kompromiso kuno upang hindi makasuhan ng “agricultural economic sabotage.”
Pero sumabit dahil kahit na “nagpadulas,” natuloy pa rin silang nakasuhan kaya nakulong na walang piyansa.
He-he-he!
-----$$$---
Dumaing na ang mga kolokoy kasi laging nangangako ang dalawa na matutulungan ang pobre pero, umabot na ng pitong buwan wala pa ring nangyayari.
Ano kayang “sey” dito ni Kume?
----$$$--
MAY kutob kasi ang ilang marites na wala talagang alam si Kume sa kabulastugan ni Direk See at Agent Peepee.
Sa bagay, puwede rin naman na simpleng kinukunsinti niya na ang dalawang ito.
Mas mainam ay paimbestigahan niya ito upang malinis ang kanilang pangalan at siyempre, malaman natin kung may katotohanan ang ikinakalat ng mga marites!
Abangan!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments