top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Paggamit ng smartphones, iba pang gadgets, ipagbabawal na sa oras ng klase

Writer: BULGAR
BULGAR
58 minutes ago
2 min read

ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | September 24, 2026



Win Tayong Lahat ni Win Gatchalian


Nang inaprubahan ng Senado ang panukalang batas para sa mas ligtas na mga paaralan, tiniyak din nating magiging saklaw nito ang responsableng paggamit ng mga smartphones at iba pang electronic gadgets.


Sa ilalim ng inaprubahan nating Comprehensive School Safety Act (Senate Bill No. 2426), ipagbabawal na sa mga mag-aaral, mga guro, at mga kawani ang paggamit ng mga smartphones at iba pang portable electronic devices sa oras ng klase. Kung ating babalikan, naghain ang inyong lingkod ng isang panukalang batas upang ipagbawal ang paggamit ng smartphones sa oras ng klase.


Noong una nating inihain ito, binigyang diin ng inyong lingkod na nakakaabala ang paggamit ng smartphones at iba pang electronic gadgets sa ating mga mag-aaral, lalo na sa oras na dapat nilalaan nila para sa pag-aaral.


Ngunit ang paggamit ng smartphones at iba pang gadgets sa mga paaralan ay isa na ring mahalagang paksang may kinalaman sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Kung babalikan natin, halimbawa, ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga, ginamit ng suspect ang isang body-worn camera upang i-ere sa Facebook live ang naging insidente, bagay na ikinabahala ng marami nating mga kababayang nakapanood sa mga video.


Kaya naman sa gitna ng dumarami at lumalalang mga insidente ng karahasan sa ating mga paaralan, patuloy ang ating pagsulong na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng mga smartphones at iba pang electronic gadgets sa loob ng mga paaralan, lalo na sa oras ng klase.Ngunit kinikilala rin natin na mahalaga ang papel ng teknolohiya sa pagtuturo sa modernong panahon.


Kaya naman pahihintulutan pa rin ang paggamit ng mga gadgets kung may kinalaman ito sa pag-aaral, sa kalusugan, sa pagtugon sa mga sakuna, at sa mga gawain sa labas ng paaralan.Patuloy din namang tinatalakay ng Senado ang ating panukalang batas upang ipagbawal sa mga menor-de-edad ang paggamit ng social media: ang Child Online Safety and Protection Act (Senate Bill No. 2424). Mananatiling prayoridad ng inyong Senado ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabataan.





May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page