top of page
Lakam Chiu arrested - Circulated ABS-CBN.jpg

Todo-iwas nang makunan ng TV camera, Kim… LAKAM, SUPORTADO NG PADIR AT UTOL NA LALAKI HABANG NASA PRESINTO

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 24, 2026



LAKAM, SUPORTADO NG PADIR AT UTOL NA LALAKI HABANG NASA PRESINTO

Photo: Circulated



Pumutok ang balitang nag-undergo sa isang medical procedure ang kapatid ni Kim Chiu na si Lakambini ‘Lakam’ Chiu.


Nakunan ng video si Lakam na paalis ng presinto habang nasa kustodiya pa rin ng mga pulis kahapon. Kumalat ito sa social media.


Mapapanood sa video si Lakam na inaalalayan ng mga pulis. Makikita rin ang ama at kapatid na lalaki ni Kim sa video na nakatayong nagmamasid. 


Biglang-atras naman si Lakam at gustong bumalik ng selda nang makita niya ang nakatutok na TV camera sa kanya.


Maririnig sa video ang pahayag ni Lakam sa nakaumang sa kanyang TV camera,

“Sinasabi ko na nga ba, eh.”


Pero hinikayat si Lakam ng kanyang ama at kapatid na bumalik at sumama na sa mga pulis palabas ng presinto.


Sa huling bahagi ng video ay makikitang bumalik si Lakam at kasamang mga pulis sa

presinto.


Sa comment section ay na-bash si Lakam.


“Nahiya ka pa, Lakam, ha! Kapal mo, eh. Pagtraydor mo at pagharbat ng mga pera ni Kim, nahiya ka ba?”


“Grabe, tama na. Blow-by-blow update. Mas gusto ko pa makarinig ng update kay Kim kesa d’yan. Ibigay n’yo na ‘yan kay Kim, respeto na lang.” 


“Ngayon, nahihiya ka pero nu’ng nagnanakaw ka, wala kang hiya.”

Samantala, naibaba na ang halaga ng piyansa ni Lakam pero hindi pa rin siya agad nakalabas ng presinto.


Patuloy pa rin umanong pinoproseso ang mga dokumentong kailangan para sa kanyang release order.





IPAPALABAS na ang bagong proyekto ng mahusay na direktor na si Julius Ruslin Alfonso, ang Half Sisters (HS), sa iWant sa Biyernes (Setyembre 25).


Ang HS ay pinangungunahan nina Brent Manalo as Pancho, Esnyr Ranollo as Ramon a.k.a. (also known as) Madeleine, and Bianca de Vera as Emily.

May special participation din sina Xyriel Manabat as Mema and Petite as Verushka.


Ayon kay Direk Julius, “I have worked with them na sa The Secrets of Hotel 88, so somehow alam ko na ang capabilities nila.


“Esnyr has always been versatile in terms of comedy. He always has new pasabog to offer, ‘di naka-kahon, very collaborative. And yes, he’s so engaging and effective rin sa drama. Totoo, grounded.


“Brent is intelligent and instinctive, may lalim and it shows sa performance n’ya, drama man o comedy. Very expressive set of eyes, nangungusap. S’ya ‘yung actor na walang sobra, walang kulang sa performance.


“Bianca, mas nakilala sa drama and she’s good at it kaya big revelation ‘yung kayang-kaya niya ang comedy at makipagsabayan kay Esnyr.


“Very stark contrast ang characters nila. Sarcastic si Ramon (Esnyr) at frantic si Emily (Bianca). Very satisfied ako that they’ve given me that particular dynamics na need ng script and genre. Bianca is never self-conscious and I guess that shows sa atake n’ya sa role.


“Xyriel, no question sa what she can do. Probably the most versatile actress of her generation. Commendable ‘yung kahit ‘special participation’ lang s’ya sa movie, she’s very generous and gave her all.”


Ang Half Sisters ay ang first-ever micro drama ng Star Creatives.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page