top of page

Padir, umaming hiwalay na… JAVI, MAS KAMPI SA MADIR KESA KAY MAYOR ALBEE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 11, 2024



Nakakatawa ang comment ng  mga netizens, ang gulo raw ng love life ni Bacolod City Mayor Albee Benitez dahil parehong nali-link kina Ivana Alawi at Angeli Khang. 


Heto pa, pareho rin daw nakita sa Japan ang dalawang aktres at kasama pa si Mayor Albee.


Sino kaya sa dalawang aktres ang tunay na nali-link kay Bacolod City Mayor?


Mabuti pa ang anak ni Mayor Albee na si Victorias City Mayor Javi Benitez, solid sa girlfriend na si Sue Ramirez, hindi na-link sa ibang babae mula nang maging girlfriend ang aktres. 


Forever na yata ang relasyon ng dalawa at mauuwi sa kasalan.


Anyway, wala pang reaction si Javi sa inilabas na statement ni Mayor Albee sa pagkaka-link niya sa TV personality na walang binanggit na pangalan. 


Ang request nito ay “Understanding and respect for privacy to shield all innocent parties involved,” part ng statement nito.


Matatandaang nag-post sa Instagram si Javi na may kasamang photo nila ng mom niya patungkol yata sa sinabi ng ama na hiwalay na sila ng wife niya, bagay na kinontra ni Mrs. Nikki Benitez.


May parte ng post ni Javi na ang sabi, “But mom, I want you to know that I thank you and love you for all that you have done for our family. We know how much you have sacrificed for me and Bettina (his sister). I am eternally grateful.” 



Sa sinabing ito ni Javi, alam na kung kanino siya kampi sa parents niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page