top of page
Search
  • BULGAR

Padir ng Pambansang Bae, pumalag… ALDEN AT DANIEL, PINAG-AAWAY DAHIL KAY KATHRYN

ni Nitz Miralles @Bida | May 7, 2024



Photo
File photo: Alden Richards, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Parehong naging biktima ng fake news sina Alden Richards at Daniel Padilla at dahil ito kay Kathryn Bernardo. 


Unang biktima si Alden nang may mag-report sa isang entertainment site ng message raw ng aktor kay Daniel at may actual interview pa.


Na-quote si Alden at sinabi raw nito na, “Kathryn gave her love and trust to you pati na ang future n’ya for how many years pero niloloko mo lang pala. On cam ka lang pala loyal at sweet pero sa likod ng camera, dugong Padilla ka talaga. Please bro, 'wag mo na guluhin pa si Kath, ‘wag kang selfish. Masaya na s’ya ngayon sa mundong ginagalawan n’ya.”                           

Pinalagan ito ng ama ni Alden na si Richard Faulkerson, Sr. na nag-react. 

“'Wag ganyan, hindi ganyan ang anak ko, abuso ka na. ‘Wag mo hintayin na ipa-NBI rin kita, papahanap ko kung sino ka," mensahe ng tatay ni Alden sa gumawa ng fake post.


After a few days, si Daniel naman ang na-fake news at ang hindi maganda rito, galing sa nagpakilalang fans ng love team nina Alden at Kathryn ang nag-post.


Sinabi diumano ni Daniel, “Ako ‘yung nagloko pero ako ‘yung naiwan, balak ko na sana magbago pero huli na ang lahat. Lesson learned talaga ‘to para sa ‘kin. Ang daming chance na ibinigay sa 'kin ni Kath, pero sinayang ko lahat. Masakit makita na may kasama na s’yang iba.”


Mabuti at agad nakitang fake news ito at hindi ito sasabihin ni Daniel na nananatiling tahimik sa breakup nila ni Kathryn. 


Agad sinabihan ang owner ng FB account na tigilan niya ang pagpo-post ng mga ganitong fake news, dahil sina Alden at Kathryn ang madadamay at sa kanila magagalit ang fans ni Daniel.


Kaya lang, as of Sunday evening, hindi pa rin deleted ang post na ito kahit marami na ang nag-call out sa nag-post.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page